HINDI PO UTANG NA LOOB KAY PANGULONG MARCOS ANG BUHAY NG MGA PILIPINO
Ito po ang link sa artikulo ni BGen. Ramon Farolan, ukol sa official report na inutos ni Pangulong Marcos to fire at Camp Crame, even if it meant death and injury to thousands.
REMEMBER WHEN MARCOS’ GENERALS WHO WERE ORDERED TO SHOOT AT THE PEOPLE INSTEAD TURNED THEIR BACKS ON THE MARCOSES AND SIDED WITH THE PEOPLE IN 1986?
Let us remember the times when there were so many people who were heroes, including the generals, other officers, and soldiers who refused to shoot at their fellow Filipinos in EDSA. Remember that by doing so, they disobeyed the chain-of-command, and risked their careers. But they were following a higher law – the law of God. Kung sinunod nila ang twisted interpretation ng Romans 13, massacre of thousands of innocent ang nangyari.
BAKIT KAILANGANG UNAWAIN ANG NAKARAAN?
Para hindi na maulit ang mga malalaking pagkakamali sa ating bayan.
As a Believer in Christ
SHARE
Prophetic Role ng Church
There is still hope
SHARE
It is when hope seems to be at its dimmest that you must be at your bravest.
SHARE
KAILAN MALI ANG “FORGIVE AND FORGET”
Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan (ill-gotten wealth) ay hindi kasalanan sa mga indibidwal na Kristiyano bilang Kristiyano, kundi sa Republic of the Philippines, the corporate entity trying to recover the ill-gotten wealth; the People of the Philippines whose criminal laws were violated; ang mga mahihirap na napagkaitan ng benefits of the money that was stolen; and the taxpayers who will continue to shoulder the loans that the Marcos government incurred dahil nilimas niya ang treasury ng bayan.
ANG CALL SA CHURCH AY MANGUNA SA PAGTATANGHAL AT PAGTATATAG NG CHRISTIAN PUBLIC ETHICS
At paano po tayo nagiging workers of wickedness sa pagsuporta sa mga magnanakaw sa gobyerno? By calling evil good, at good as evil. Iyan ay condemned sa Isaiah 5:20. Ibig sabihin, sa isang naniniwala sa Diyos, ang masama ay masama, at hindi pinapalusot na okay lang ito.
MERON PO TAYONG KAKANYAHAN, SARILING EXPERIENCES, TALENTO AT BIYAYA, MAY ORIGINALITY NA MAAARING GAMITIN UPANG UMANGAT ANG BAYAN
So ang weightier matter sa churches sa Pilipinas, na dapat pagtuunan ng pansin ayon kay Kristo, ay Justice, Mercy and Faith, in the context of a nation where there is so much poverty and corruption. At hindi tayo dapat malula sa laki ng problema, sapagkat naririyan at palagi nga nating kasama si Kristo habang tinuturo natin ang mga katuruan Niya. Alalahanin ang pangako Niya: “(T)eaching them (the nations) to obey everything that I have commanded you. And remember, I am with you always, to the end of the age” (Matthew 28:20).