32 YEARS OLD LANG SI MARCOS NOONG 1949, FAKE PO YUNG SINASABING RICHEST MAN IN THE WORLD NA SIYA KASAMA NG ISANG FR. DIAZ, AT HUWAG PO KAYONG UMASA NA MAY IPAMUMUDMOD NA TALLANO GOLD

Marami pong kumakalat na kwento sa socmed na noong 1949, si Ferdinand Marcos Sr. at si Fr. Diaz ang two richest men in the world dahil sa Tallano gold. Sa unang tingin pa lang, malinaw na kasinungalingan iyan. Noong 1949 po, 32 years old pa lang si Marcos! Obvious po, na purong imbento iyan. Ngunit kailangan po nating i-debunk ito publicly para huwag nang umasa ang mga taumbayan na ipamimigay daw yung Tallano gold, lalo na kung manalo si Bongbong Marcos sa pagka-Pangulo. Upang tanggalin ang maling expectation, na isang form of manipulation, dapat po si Bongbong Marcos mismo ang mag-deny sa kwentong iyan. Asang-asa po ang iba sa instant financial package na akala nilang matatanggap nila.

KUNG WALANG NINAKAW, WALANG IKUKUMPISAL ANG KASABWAT

Ang ginawa po ng mga kasabwat ni Ferdinand Marcos na gustong mangumpisal at magsauli, ay nakipag-usap sila sa PCGG at gumawa ng mga affidavit o sinumpaang-salaysay, at pag tinanggap na ang kanilang “confession” ay nag-surrender sila sa gobyerno ng mga titulo ng lupa, building, shares of stock sa mga kumpanya, o certificate of deposits at equity sa mga bangko.

VIDEOS NG KUNG SINU-SINO VERSUS SUPREME COURT DECISIONS

Marami-rami na ring tumuligsa sa mga posts ko tungkol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos. At kung re-replyan sila na may mga Supreme Court decisions naman, sasabihin nila, bayaran ang lahat ng mga huwes, lahat sila ay inappoint ng dilawan.

STEPS FORWARD: Attention po sa MEDIA

Ang tamang pagsasalaysay ng kasaysayan ng Pilipinas ay pinahina na nang husto. Ang media bilang fourth estate at guardian ng demokrasya at katotohanan ay pinagduduhanan na ng mga tao. Kung gaano kadami ang may ganung paniwala, hindi ko pa matantsa.

Ang kalaban lang pala ng katotohanan ngayon ay isang script, at isang video, then upload sa Youtube at Tiktok, ipa-viral lang at lahat ng involved ay walang accountability. Repeat by several dozens such videos, repeat and repeat the modus. Over time, anumang haligi ng demokrasya ay maaaring gumuho – mga unibersidad, works of scholars, accountability and ethics in government, at responsible media.

BAKIT PO KAILANGANG TUTUKAN ANG ILL-GOTTEN WEALTH NG MGA MARCOS?

Maaari rin itong tingnan sa konteksto ng ating pagbuo ng moralidad ng Pilipino. Habang hindi isinasauli ang mga nakaw na yaman, gagamitin at gagamitin ito para pagtakpan o baligtarin ang kasaysayan. Uukitin rin sa isip ng mga kabataan, na okay lang ang magnakaw.

MAGTULUNGAN NA PO TAYONG LAHAT, GUMAWA NA PO KAYO NG MGA EDUCATIONAL VIDEOS

At least 9 years of tertiary education and the bar review and exam to produce one lawyer. Decades of hard work to produce one Justice. I think the young people in the webinar appreciated why you cannot trust videos that are unauthored/attributable to a reliable source.

And yet, in the end, for some in our population, videos ng kung sino-sino lang pala ang pakikinggan at hindi solid Supreme Court decisions.