MERON PO AKONG NAPAPANSIN, AT ALARMING PO ITO

May mga nagko-comment po sa iba’t ibang pages in Tagalog, na kamping-kampi sa Russia at against Ukraine. Mga Pilipinong hindi naman nag-aral o nanirahan sa Russia o Ukraine na kung magsalita ay akala mo biglang experts on European history and politics. One even said: “Ay, mahina ang mga taga-Ukraine; habol lang nila ang comfortable life, susuko kaagad iyan.” Pati sa psywar, nakikisawsaw!

I DON’T LOOK AT THE SIZE OF THE GIANT, I LOOK AT MY LIMITLESS GOD

Ngunit sa naririnig ko, mas matalas na ang nagiging diskusyon ngayon ng taumbayan. Dahil malinaw sa lahat that something is terribly wrong in our country, mas maraming gustong sumisid sa malalimang usapan. I have met countless young people waiting for people whom they can believe who can tell them why we are where we are.

SA HALIP NA TURUAN AT PALAKASIN NG CHURCH LEADERS ANG PAGKILATIS NG TAMA AT MALI, ANG IBANG MGA CHURCH LEADERS PA MISMO ANG PASIMUNO SA “AH, BASTA, SUMUNOD KAYO SA NAPILI KO!”

Nakakalungkot at alam na po natin, na kaduda-duda ang mga “pastor” o church leaders na kung tanungin ng kapwa pastol o ng kasapi kung bakit ang partikular na kandidato ay itinutulak o iboboto niya, ang sagot na lamang ay: “Basta, respect na lang, brod,” at sa miyembro naman ay: “Siya ang anointed” o “napanaginipan ko na sinabi ni Lord sa akin na siya ang The One” o kaya, “Ah, basta.”