IPAGDASAL PO NATIN

Malinaw na walang kasagutan si Ferdinand Sr., si Imelda at si Bongbong noong tinatanong sila sa iba’t ibang hukuman kung saan nanggaling ang kanilang yaman. Hindi nila kayang sabihin sapagkat lalabas ang katotohanan: na nakuha nila ang mga ito sa ilegal na paraan. Iyan ang malinaw na desisyon ng Korte Suprema noong 2003, 2012 at 2017.

MGA BAGAY NA IPINAPASALAMAT NATIN

Hindi ko po inakala ang lalim ng kakulangan ng impormasyon ukol sa nangyari sa Pilipinas sa ilalim ni Marcos, at sa mga hamon na kailangang harapin ng mga sumunod na pamahalaan. Dati, makapaghayag lang ako ukol sa general theme na hindi na dapat maulit ang pagdeklara ng Marcos type of Martial Law, ay inakala kong nakapag-ambag na ako sa katungkulan na ipaalala ang leksyon na nawa’y huwag na itong maulit.

WALANG MAKAKA-DISPUTE, KAHIT SINO PANG VLOGGER, NA NAGNAKAW ANG MGA MARCOS, PATI SA JAPANESE INFRASTRUCTURE FUND PARA SA PILIPINAS

Ang pinaka-simpleng example po ng PAGNANAKAW NI MARCOS AY ANG PANGKO-KOTONG NIYA NG 15% sa Japanese War Reparation Fund para sa imprastraktura sa Pilipinas. Kung tutuusin, blood money po iyan in a way, to atone for the more than 500,000 Filipino lives lost during the Japanese war against the Philippines (WW2). Kasama na sa mga napagawa ng pondong iyan ay yung San Juanico Bridge at Philippine-Japan Friendship Highway na tinatawag ding Maharlika o Pan-Philippine Highway.