How does one refresh her soul on Sundays?

For me, it is by looking at God, the beauty of His plans for all of creation, the end of all things, and their renewal. When I start contemplating the glory that He has promised we will experience in Him, then no tear nor fear we go through in this life is enough reason to hesitate giving my all, trusting my all to God my Creator, Christ my Redeemer and the Holy Spirit my faithful Friend and Guide.

National Teachers’ Day

Ang mga guro ang naghuhubog ng mga henerasyon ng mga mamumuno sa bansa. Kung malakas ang katotohanan sa buhay at pananalita nila, may pag-asa ang bayan natin.

SUNDAY REFLECTIONS

Ito ay salaysay ng streetdwellers sa kaniya: May nagre-recruit sa kanila. Bibigyan daw ng halagang PhP 18k kada isa kapag nanalo ang alam niyo na kung sino. Kailangan nilang magpalista, magpakita araw-araw sa isang FB page, at panoorin ang mga videos na inia-upload doon. Yun lang daw. At siyempre lahat ng content ay pampabango sa isang hindi katiwa-tiwalang kandidato at pamilya niya.

BRIDGE-BUILDERS PO TAYO NGAYON

Alam na ng Taumbayan ang katotohanan: nagnakaw ang pamilya Marcos. Kaya’t lahat na lang ng tumbling at hysterical iyak ang maririnig mo mula sa followers nila. Kaya rin parating no-show si Bongbong sa lahat ng event na pwede niyang harapin ang tanong ukol sa NAKAW NA YAMAN NILA.

BILANG TAGASUNOD NI KRISTO AT DATING PUNONG HUKOM NG PILIPINAS, MADIIN KONG INIAAMBAG ANG AKING BOSES SA PAGTUTOL SA GIYERA NA INILUNSAD NG RUSSIA LABAN SA UKRAINE

Responsibilidad ng bawat court officer — mga dating huwes at nanunungkulan pa, mga abogadong nanumpa na ipagtatanggol ang katarungan at Konstitusyon — na tumindig sa tabi ng taumbayan at pamahalaan at sabihing: Tama na, pamahalaan ng Russia, ang pananalakay sa Ukraine at iatras mo na ang iyong mga armadong pwersa mula sa teritoryo nito.

May nagtanong na sa akin: Ikaw ay dating Chief Justice, at nagsasabing Kristiyano, hindi mo ba pinaghahati-hati ang kapatiran sa kakatutok mo sa mga Marcos?

Ito po ang sagot ko: Katungkulan ng bawat abogado na palakasin ang katotohanan at katarungan. Ang tatlo sa mga Marcos cases ay ako mismo ang nag-aral at sumulat ng desisyon. Kailangan kong patotohanan ang mga nakita ko.

Katungkulan rin ng bawat Kristyano na isulong ang kaharian ng katotohanan, katarungan at katuwiran. Nasusuklam ang Diyos sa pandarambong (Isaiah 1:17, Psalm 89:14, Isaiah 61:8).