Let’s start a genuine conversation within our churches now

The Word of God would have built up our nation in justice and righteousness as God wants in Psalm 89:14. Instead, we misused 2 verses of Paul Romans 13 to destroy our role as accountability-keepers in our country. Yun naman pala, some of our pastors might have actually just wanted to convey a different message. Nakakalungkot.

BAKIT IPINAGPIPILITAN ANG TWISTED INTERPRETATION NG ROMANS 13:1-2?

Paano mo nakakayang sabihin na huwag punahin ang gobyerno kahit naaapi na ang maliliit? Samantalang dominant biblical command ang speak for the voiceless, and defend the weak and the poor? Itigil na ang maling paggamit ng religious authority to promote the idolatry of political leaders. Dahil sa walang kibo ang malaking bahagi ng church, lalong lumala ang injustice at oppression sa bansa.

SAMPUNG MALINAW NA IDOLATRY

Idolatry ang pagkunsinti sa “Kill, Kill, Kill” – mahal mo pa ang idol mong political leader kaysa sa Diyos na ipinagbawal ang pagiging hayok sa dugo at ang anumang walang kararungang patayan.