SUNDAY REFLECTIONS

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Salamat, Panginoon, sa katatagan ng loob at kalinawan ng pag-iisip na ibinibigay mo sa lahat ng nais sumunod sa Iyong Salita. Salamat sa mga nagdesisyon na hinding-hindi na magbibingi-bingihan sa tawag ng katarungan at katotohanan sa aming bansa.

Salamat sa mas lumalawak at lumalalim na pagkaunawa na ang pagiging follower Mo ay nangangahulugan ng #IntegralFaith kung saan ang bawat pananaw, salita at gawa, at bawat intensyon ng aming puso ay kailangang suriin at ibatay sa Iyong Salita at hindi sa opinyon ng tao.

Salamat sa pangako Mo, na “You (Jesus) will be with us until the very end of the age” (Matthew 28:20).

SHARE