SI MARCOS PO ANG UNANG NAGTAKDA NG PAGBEBENTA NG MGA ASSETS NG GOBYERNO
By Maria Lourdes Sereno
Si Pangulong Marcos po ang nagdesisyon na simulan ang pagbebenta ng mga assets ng gobyerno. Noon pong 1984 ay pinag-aralan na niya kung paano ibebenta ang mga assets ng pamahalaan, dahil hindi na nga nakakabayad sa utang ang Pilipinas. Nag-deklara na po siya ng bankruptcy noong October 1983, at nakakuha po ng 90-day moratorium, o panandaliang pagpapalugit sa pagbabayad sa mga foreign creditors. Bahagi din ng kundisyon ng World Bank upang ituloy ang pagpapautang sa Pilipinas, at bigyan ng senyales ang ibang bansa na kahit paano, “safe” magpautang sa Pilipinas, ay iyung pagbebenta ng mga assets ng pamahalaan na non-performing o hindi napapakinabangan.
At noong February 4, 1986 ay nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Presidential Decree No. 2030. Ang title nito ay “PROVIDING FOR THE ORDERLY DISPOSITION OF CERTAIN ASSETS OF GOVERNMENT INSTITUTIONS.” Sa presidential decree na ito, inuutusan niya ang isang government body na binuo niya na mag-identify ng mga ari-arian na kailangan nang ipagbili. Inutusan din niya ang National Development Corporation na mag-imbita ng mga investors sa mga assets na iba, kasi hindi na kaya sustentuhan ng gobyerno.
Malinaw ang layunin ng Presidential Decree No. 2030. Sa unang WHEREAS clause ng PD ni Marcos ay kinikilala niya na kailangan nang ibenta ang mga assets na ito sa lalong madaling panahon. Basahin po natin:
“WHEREAS, the National Government, through the agency of various financial and other government institutions, has acquired or is otherwise the owner of a large number of assets in the industrial, manufacturing and commercial sectors of the economy which, as part of the economic recovery program adopted by the National Government, it has been deemed necessary and appropriate for the National Government to divest in a planned and orderly manner;
WHEREAS, as an integral part of this economic recovery program and in order to facilitate the reorganization of certain government financial institutions, it is necessary to relieve those institutions of assets which adversely affect their financial viability and liquidity, and for the National Government to take over such assets and to assume the related liabilities of those institutions;
WHEREAS, it is the desire of the National Government to realize on such assets within the shortest possible time and, to such end, to dispose of such assets generally on terms that would permit immediate substantial cash returns to the National Government. “
So sino po ang unang nagdesisyon na magbenta ng government assets? Si Pangulong Marcos po. Gaano kabilis kailangan ibenta? SHORTEST POSSIBLE TIME AS TO PERMIT IMMEDIATE SUBSTANTIAL CASH RETURNS sa gobyerno. Ibig sabihin po, bangkarote ang gobyerno ni Marcos noong umalis siya noong 1986.
At dahil bangkarote ang gobyerno nang umupo si Pangulong Cory Aquino, walang choice si Pangulong Cory kundi ipagpatuloy ang pagbebenta ng government assets para gumulong ang makinarya ng pamahalaan.
THE NEW YORK TIMES – PHILIPPINE DEBT DELAY IS GRANTED (Published 1983)
https://www.nytimes.com/…/philippine-debt-delay-is…
THE OFFICIAL GAZETTE – PRESIDENTIAL DECREE NO. 2030-s-1986
https://www.officialgazette.gov.ph/…/presidential…/
PHILIPPINES: MARCOS DEBT — CADTM
https://www.cadtm.org/Philippines-The-Marcos-debt