Sagot ng kasaysayan at ni Gat Jose Rizal
By Maria Lourdes Sereno
May mga nagtatanong, paano daw kung simbolo ng corrupt governance (pagnanakaw ang inuuna, balatkayo na serbisyo) ang maluklok, ano na ang mangyayari sa nasimulan ng taumbayan?
Sagot ng kasaysayan at ni Gat Jose Rizal: Tuluy-tuloy lang po tayo. Ang pakikipaglaban sa tamang pamamahala ay trabahong habambuhay. Kaya nga’t sinabi ni Rizal na equipping o paghanda ng kabataan ang kailangang prayoridad. Sa akin po, hindi lang ng mga kabataan, kundi na rin ng mga elders na aalalay dito. At malinaw sa world history at sa Bibliya, kailangan sa consciousness ng lahat ang pagkakaunawa na ang Diyos ang panggagalingan ng gabay at tagumpay. Kaya’t ang nasimulan na ng taumbayan ay exciting at kinalaunan ay magbubunga ng mayabong na bukas.