Napakaraming ebidensya na nakuha sa oral hearings sa Korte Suprema, at sa United Nations, na walang safety guidelines na pinapatupad ang kapulisan noong inilunsad ang Oplan Tokhang at Double Barrel, upang iwasan ang unnecessary deaths. Nasundan na ang mga oplan na ito ng iba pang oplans, na parang ang intensyon ay lipulin ang mga maka-kaliwang aktibista.
Ang tanong ay hindi: “May ebidensya ba kayo na ang gobyerno ay nagpapapatay ng tao na labag sa batas?” Kundi: “May naipakita na bang track record ang gobyerno na nag-iingat sila kaya’t naiiwasan ang anumang ilegal at di-makatarungang pagkitil ng buhay?”