NADUDUWAL NA PO ANG MGA KABATAAN, BIGYAN NIYO NA PO NG LAYA ANG KATOTOHANAN
By Maria Lourdes Sereno
Ano po ang diwa ng katotohanan? Hindi po ba ito ay ang gawing lapat ang realidad sa alam nating tama at mali?
Hindi po ba habang maliliit pa lamang ang ating mga anak, ay tinuturuan na natin na magsabi ng totoo? Na huwag magsinungaling? Hindi po ba kahit na alam ng mga bata na kailangan silang mag-sorry o may kaparusahan ang paglabag ng patakaran, kailangan pa rin nilang aminin ang totoo, kung lumabag nga sila sa rules o hindi?
Kasi alam nilang may tama at mali. At inherent o likas sa tao na may kaalaman, na may tama at mali. Habang lumalaki, inaasahan nating pinapalakas ng schools at ng churches dapat ang konsyensya, para huwag manakit at mang-abuso ng kapwa.
Kaya nga po kahapon ay pinost natin ang 2 Timothy 2:15: “Be diligent to present yourself approved to God, a worker who does not need to be ashamed, rightly dividing the word of truth”. Kasi, kailangan po ng diligence to rightly discern the truth.
Ano pong ibig sabihin nito? Kung inaasahan po natin na tayong mga magulang, teachers, pari, madre at pastor ay magiging gabay sa “word of truth,” dapat tayo ang nangungunang mag-aral upang mahusay na makakilatis ng tama o mali.
Paano po natin malalaman ang tama at mali sa pamamalakad kung hindi po natin pinag-aralan ang batayang-bayan natin, ang Konstitusyon? Nandito po ang descriptions at limits ng powers na pinahihiram natin sa ating mga lingkod-bayan. Andito po ang standards ng paninilbihan nila. Nandito po ang mga paraan kung paano po sila sisingilin.
Sa halip na pagsingil ng accountability sa goverment officials ang itinuro sa atin na skill, ang itinuro sa atin sa mga paaralan ay kung paano sila i-greet ng buong galang, paano mag-perform ng dance o song number sa harapan nila, at indirectly, paano humanga sa kanila na parang mga artista. We can be courteous and respectful to government officials without forfeiting our roles as good citizens, as part of the Sovereign Filipino People.
Sa maraming mga simbahan natin, hindi itinuro ang prophetic role ng church, na ang simbahan ang conscience ng bayan, na handang magpaalala sa lahat including public officials to fear the Lord. Instead ay naging taga-pray over for blessings, taga-anoint, taga-endorse na lang sa kandidato. At kapag nanalo, taga-defend pa or pinapatahimik ang mga miyembro kahit malinaw ang talamak na kasalanan sa taumbayan.
Bakit po nangyari ‘yan? BECAUSE WE-PARENTS, TEACHERS, PARI, MADRE, PASTOR – WERE NOT DILIGENT TO STUDY, THAT WE MIGHT RIGHTLY DIVIDE (DISCERN) THE WORD OF TRUTH. Instead of ensuring na lapat ang teachings ng Bibliya on justice and righteousness sa pananaw natin sa lipunan. Basag na basag ito sa maraming eskwelahan at simbahan. Halatang kulang ang ating itinurong pananaw kapag nakikita nilang kaya naman palang ipaglaban ang mga oppressed using the Constitution.