MGA HISTORICAL TRUTHS NA HINDI NAITAWID SA ATING MGA FAITH COMMUNITIES AT MGA PAARALAN

By Maria Lourdes Sereno

Uncategorised

Habang ang Istruktura ng Kapangyarihan sa lipunan maging sa iba’t-ibang panig ng mundo, ay patuloy na yumayabong para sa aktibong partisipasyon ng mga mamamayan, mayroong mga katuruan sa bibliya na tila ba nakaligtaang ituro o ibalanse sa dating mindset ng mga churches.

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  1. Na dahil ang tao ay ginawa sa wangis ng Panginoon, nais ng Diyos ang pag-unlad ng sangkatauhan. Malalim po ang mga implikasyon niyan sa pakikisalamuha ng Kristiyano sa kanilang kapwa-tao;
  2. Na tayo ay “brother’s keepers” ng bawat isa, hindi lamang ng mga ka-simbahan natin;
  3. Na ang pagmamahal sa kapitbahay (love thy neighbors) ay pagmamahal sa kapwa kagaya ng pagmamahal natin sa sarili, lahat ay pantay-pantay, walang superior o inferior class. In fact, priority ni God ang pag-aaruga sa mahihirap;
  4. Na ang human dignity na galing sa pagiging image-bearer of God, ay dapat laging pinangangalagaan ng bawat Kristiyano;
  5. Na God has gifted our nation with constitutional democracy, which means wala dapat ruling class, at dapat ang government ay servant of the people;
  6. That the people owns all government authority as they are the Sovereign Filipino People, kaya accountable ang lahat sa government to fulfill the people’s vision of a just and humane society as specified in the Constitution;
  7. That the duty of every Filipino is to exact accountability from holders of government power.

 

Basahin po natin ulit ang PREAMBLE, ang Article 2, Section 1 at Article 11, Section 1 ng Constitution. Ito ang clear gift of God to the Filipino people na dapat itinuturo sa mga churches at eskwelahan:

 

PREAMBLE:

We, the Sovereign Filipino People, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality and peace, do ordain and promulgate this Constitution.

 

Article 2, Section 1:

The Philippines is a democratic and republican state. Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.

 

Article 11, Section 1:

Public office is a public trust. Public officers and employees must at all times be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency, act with patriotism and justice, and lead modest lives.

So hindi na po pwedeng ituro ang mga sinasabi sa Bibliya na parang slaves o subject tayo ng Roman emperors who held absolute power and who had sole authority to issue laws.

 

Tatanungin tayo ni Lord one day: “Binigyan ko kayong mga Pilipino ng constitutional democracy para mas marami ang mapalaya niyo sa kahirapan at upang mag-flourish ang bawat Pilipino, ano ang ginawa niyong mga mananampalataya sa gift kong ito sa inyo? Did you make sure your government was accountable to promote a just and humane society?” 
SHARE