Mensahe para sa mga Kabataan

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

By this time mas nai-imagine na ng Gen Z at Millennials kung anong klaseng greed for power/money ang nanggipit sa henerasyon ng titas/titos/ at magulang niyo from 1972-1986.  Kaya’t libu-libong kabataan ang nangamatay.

Hirap na hirap pero nag-eenjoy ang mga Gen Z at Millennials sa political space nila today.  But the youth of the 70’s and 80’s paid with their lives and their future to give today’s youth this freedom.  And even while we still have this space bought at a high price, our young people today are experiencing panggigipit.

Mga Kabataan, iyan ang unang ipapalimot sa inyo ng mga Diktador: ang Inyong Identity. Galing kayo sa lahi ng mga Bayani, huwag niyo iyang kalilimutan.

SHARE