MEANINGFUL SILENCE

By Maria Lourdes Sereno

May 15, 2022

elections

Nasabi ko po sa isang post ko kahapon na meron pong mga klase ng concession speeches mula sa mga second placers sa election na nakaka-angat ng antas ng diskurso sa komunidad o bansa. On the other hand, meron din pong mga acceptance speeches na nakakapagpabilis ng paghilom ng mga sugat sa taumbayan na natatamo sa eleksyon.

Ang ideal po na sitwasyon ay pag-usapan ang mga pinaka-critical na issues at problema na dinaranas ng Pilipinas ngayon. Nangunguna ang gutom, mataas na presyo ng bilihin, ang sitwasyon sa COVID, disinformation at ang massive vote-buying na nagbibigay ng duda kung ano ba talaga ang binoto ng mga tao. Sa isang banda, baka “instant relief mula sa kagipitan” ang talagang nanalo noong May 9.

Maganda pong mapag-usapan iyang mga bagay na iyan sa acceptance speech ng maipo-proklama. Maganda ring pag-isipan ng second placer kung paano maipasok ang mga issues na iyan sa national conversation, kung magde-desisyon siya na mag-deliver ng concession speech. Gaya ng sinabi ko, walang moral at legal obligation on the part of the second placer to do that.

Meron pa rin pong another way to communicate the importance of these issues: SILENCE, Meaningful Silence.

Pwede pong walang concession, at silence lang ang iharap sa formal proclamation ng nanalo. Kung hindi po kaya o appropriate na i-discuss ang vote-buying at disinformation, then perhaps, Silence when accompanied with activities that will erode the system of vote-buying and disinformation will speak even louder than any speech. And when that silence proceeds from a deep love of God and one’s fellowmen, hindi po mahahadlangan ang pagdaloy ng pag-asa at kabutihan.

This is a period of reflection for all of us. Nakita na natin ang face of evil that uses money and lies. We know what to pray against. We know what practices to act against. We know what values must be upheld.

SHARE