May nagtanong na sa akin:

“Ikaw ay dating Chief Justice, at nagsasabing Kristyano, hindi mo ba pinaghahati-hati ang kapatiran sa kakatutok mo sa mga Marcos?”

Maria Lourdes Sereno

Ito po ang sagot ko: Katungkulan ng bawat abogado na palakasin ang katotohanan at katarungan. Ang tatlo sa mga Marcos cases ay ako mismo ang nag-aral at sumulat ng desisyon. Kailangan kong patotohanan ang mga nakita ko.

Katungkulan rin ng bawat Kristiyano na isulong ang kaharian ng katotohanan, katarungan at katuwiran. Nasusuklam ang Diyos sa pandarambong (Isaiah 1:17, Psalm 89:14, Isaiah 61:8).

Dahil ang mga Marcos ang nagsulong ng idolatry sa pamilya nila, at nagnakaw ng hindi bababa sa nabawi nang PhP 174 billion, priority ng lahat ng Kristiyano ang pigilan ang pagbabalik ng values ng mga Marcos na taliwas sa values ng ating Konstitusyon at ng Biblia. Kailangang pigilan ang magiging paglala ng PAGNANAKAW, PAGSISINUNGALING AT PAGBABALE-WALA NG PAGPATAY NG TAO, kung makakabalik ang mga Marcos sa kapangyarihan.

Ang pagpapaalala ko sa taumbayan, sa mga pang-aabuso ng mga Marcos, ay upang magkaroon ng fighting chance ang ating mga kabataan para sa isang mabuting kinabukasan.

SHARE