MAGHANDA NA PO KAYO

By Maria Lourdes Sereno

Huwag iboto ang korap
  1. Kung nakapagpalista kayo sa isang listahan na ipinangako sa inyo ang ginto o pera kung manalo ang isang kandidato, kumuha na po kayo ngayon ng abogado, kasi, wala pong ibibigay kung siya nga ay manalo. Estafa po o kung marami kayo ay syndicated estafa pa ang pwede niyong isampang kaso, kung kayo ay nagbayad para sa membership card niyo;
  2. Ilang ikot na po tuwing eleksyon ang pambubudol na iyan. Tigilan na po natin. Magsumbong na po kayo sa DTI, DOJ, SEC, DILG, sa mga nagpapakalat ng mga pangako ng ginto o pilak pag nanalo.
  3. Vote buying po iyang ginagawa nila, isang krimen sa Omnibus Election Code. Lahat po ng ginastos nila para mambudol ay babawiin sa kaban ng bayan.

 

At kung kasama po kayo sa mga mananampalataya, isipin niyo na lang po kung ano ang implikasyon niyang pakiki-ayon niyo sa ganitong gawain sa paningin ng Diyos.

Kahit nga po sino, alam na ang bumibili ng boto ay korap. Bakit ka boboto ng korap? Ilulubog lang nila ang Pilipinas. 

SHARE