Mag-Quick Fact-Check po Tayo: Pagtulungan po Natin Itong Collective Research

By Maria Lourdes Sereno

Uncategorised
Uncategorised

Maaari na po tayong magsimulang maglista ng mga sigurado nating mga kasinungalingan na maibibisto o mapabubulaanan natin dito. Sigurado po ako sa mga issues na ito sapagkat nabasa ko na po ang maraming research materials, wala lang po akong time isulat ang mga thoughts ko sufficiently.

Sa mga readers po natin, pwede niyo nang i-share ang mga sources, links, at arguments niyo dito sa comments section.

Ang panawagan ko pong ito ay upang mapabilis ang pag-share natin ng mga katotohanan dito at mas bigyang laya ang mga thoughts na nasa inyo na. Maaari po kayong mag-start na mag-build ng thoughts niyo sa post na ito. Sasamahan ko po kayo sa discussions niyo. Ito pong list ko ay bukod dun sa mga na-discuss na natin, at partial pa lang po ito:

1. Fake News po na walang nakulong sa pagkakapaslang kay Ninoy Aquino.

Meron na pong final court decisions dito, super fake po yung kung anu-ano ang sinasabi para lagyan ng malisya ang katahimikan ni Cory at Ninoy ukol sa mga nasakdal sa assassination ni Ninoy. In fact, iku-kwento pa natin ang words ng Supreme Court kung paano nagmanipula si Marcos ng trial ukol sa pagkamatay ni Ninoy.

2. Fake News po na itinakas ni Pangulong Noynoy Aquino, Senator Mar Roxas at Senator Leila de Lima ang ginto mula sa Bagko Sentral papuntang ibang bansa.

Ang Bangko Sentral na mismo ang nagsabing pawang kasinungalingan iyan. Wala pong ganyang ginto na itinakbo sa ibang bansa sa panahon ni Aquino.

3. Fake News po na ang mga alahas na bahagi ng nakaw na yaman ng mga Marcos na inihabilin sa vault ng Bangko Sentral ay isinuot ni Kris Aquino.

Hindi po maaaring gawin iyun sapagkat napakahigpit ng custodial agreement (kasunduan ng pag-iingat) sa gitna ng Bangko Sentral at PCGG. Pinabulaanan na po iyan officially ng PCGG.

4. Fake News po na ang dismissal ng New York case ay pruweba na walang ninakaw ang mga Marcos.

Ang New York case ay focused sa circumstances ukol sa pagbili ng mga ari-arian gamit ang nakaw na yaman mula sa Pilipino. Ito po ay ukol sa RICO act, o ukol sa paggamit ng mala-MAFIA na paraan upang lumabag sa mga batas ng Amerika. Ang principal defendant po doon ay si Ferdinand Marcos, supporting role lang si Imelda. Ang pagkamatay ni Marcos ay nangahulugan na yung mastermind ay hindi na mako-convict. At malaki ang implikasyon nun sa kaso. Ipapaliwanag po natin kung bakit hindi patunay ang dismissal ng New York case na walang nakulimbat ang mga Marcos. Gaya ng inuulit na nga natin, 5 court decisions, at least 13 crony confessions na ang malakas na condemnation na nagnakaw ang mga Marcos.

5. Fake po ang claim na utang na loob natin kay Marcos ang infrastructures ng Pilipinas, sa halip na ang gratitude natin ay sa Diyos, sa mga Pilipinong nagbuwis ng buhay sa WWII kaya tayo nagkaroon ng Japanese infrastructure fund, sa international donor community, at sa Filipino taxpayers.

Dito po ay ipapakita natin na idolatry na ang pag-regard kay Marcos, lalo na nung kinukuha ng pamilya niya lahat ng credit, gayung kinotongan pa niya ang Japanese corporations. Nakakikilabot po, na pinagnakawan pa ang bunga ng pag-aalay ng buhay ng mga bayaning Pilipino. Dahil marami pong data na kailangan natin dito, pakitulungan niyo na po ng husto ang paksa na ito.

6. Fake po ang claim na walang kasalanan si Marcos sa pagpapabaon sa Pilipinas sa utang.

Alam po ng lahat ng ekonomista ang hirap ng mga sumunod na pamahalaan upang maibangon ang bansa sa pag-mismanage ni Marcos sa ekonomiya. Ang mga projects na pinasukan niya ay ang mga cronies lang niya ang nakinabang. At ang mga proyekto ni Imelda na nag-divert ng pondo mula sa mga projects na sana ay para sa mga economically hirap na lugar. Marami pong hinarap na challenges ang mga sumunod na gobyerno, kasama na dito ang maraming coup attempts kay Cory. Dito po ay kailangan po rin natin ang maraming tulong sa dami ng datos na pag-uusapan natin.

7. Fake po ang claim na pure love of country ang dahilan ng pagpataw ng Martial Law noong 1972.

Iisa-isahin po natin ang mga ginawang rason sa pagdeklara ng Martial Law. Ibuhos niyo na po dito ang inyong preliminary research.

8. Fake News po na si Ninoy Aquino daw po ang nagtaguyod ng CPP-NPA.

Alam po ng lahat ng scholars na kasinungalingan ito. Si Jose Maria Sison ang nagtaguyod ng CPP-NPA.

9. Fake news po na unang naghirap ang mga Pilipino sa panahon ni Cory kaya’t kinailangan nilang mangibang-bansa.

Noong 1973 nag-adopt si Marcos ng policy na mag-export ng Filipino workers abroad. The following year ay ginawa na niyang batas ang policy na ito. Hindi ever nagawan ng solusyon ni Marcos ang problema ng kakulangan ng income ang mga pamilyang Pilipino, in fact, lumala pa ito.

10. Fake ang kwento na masagana ang pagkain, at mura ang bilihin noong panahon ni Marcos.

Ang international scandal ng malnutrition, lalo na sa mga probinsya at ang pilahan para sa bigas ay well-documented. Walang basehan ang kwento na sagana sa masustansyang pagkain ang pamilyang Pilipino.

11. Fake na good Martial Law ang namayani sa Pilipinas noong 1972-1981, at sa quasi-Martial Law noong 1981-1986 Feb.

Mapang-abuso na Martial Law ang ipinataw sa Pilipinas ni Marcos. Wala ni isang scholar na pinagkakatiwalaan ang kayang magpatunay na mahusay ang pamamalakad sa Martial Law.

SHARE