KAPAG NAKALAMPAS NA PO BA ANG MAHABANG PANAHON AT HINDI PA MAHABOL ANG MGA NAKAW NA YAMAN NG MGA PUBLIC OFFICIALS AY SA KANILA NA YUN?
By Maria Lourdes Sereno
Hindi po. Ayon sa section 11 ng Republic Act No. 1379, kailanman ay maaaring habulin ang ill-gotten wealth sa kamay ng nangkamkam ng yaman na iyon.
Paano po iyong pinagbigyan ng nakaw na yaman, pwede bang habulin? Iyan po ang kailangan nating pag-usapan—kailan nailipat ang nakaw na yaman, at ano ang alam ng pinaglipatan ukol sa estado ng asset na inilipat sa kanya. Kasi po, sa Section 12 ng same law, pwedeng kasuhan ang tumanggap ng ill-gotten wealth.
Tanong po: pinag-isipan po kaya ng mga government lawyers ang posibilidad na ito, o, nag-give up na lang sa pagod o sa kung anong dahilan. Tingnan niyo po: SA ILALIM NG BATAS, BAWAL TUMANGGAP NG ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN ANG SINUMAN.
REPUBLIC ACT NO. 1379
AN ACT DECLARING FORFEITURE IN FAVOR OF THE STATE ANY
PROPERTY FOUND TO HAVE BEEN UNLAWFULLY ACQUIRED BY ANY
PUBLIC OFFICER OR EMPLOYEE AND PROVIDING FOR THE
PROCEEDINGS THEREFOR, June 18, 1955
https://www.ombudsman.gov.ph/…/Republic_Act_No_1379.pdf