ISANG KAKULANGAN NG CHURCHES ANG EQUIPPING NG MEMBERS FOR PUBLIC INTEGRITY

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith

Kapag pumunta ang mananampalataya sa pastor o priest at sabihing naiipit siya sa isang moral dilemma, hindi dapat na ang isasagot lamang sa kanya ay “ipag-pray natin.” Kawawa ang mananampalataya, at ang pastor o pari naman, will feel helpless.

Ang kailangan ng Kristiyano ay wisdom from teachers and shepherds who can help them make the right choices. Ano ang gagawin mo sa youth leader na inaalagaan mo nang husto at pagpasok sa serbisyo ng kapulisan o customs agent, ay uutusan ng superior niya na mangikil o mangotong? Kailangan, naturuan na siya kung paano mag-resist sa evil.

Dahil ayaw nating imulat ang ating mga mata sa structural o institutional evil, kaya parang mahina ang moral fortitude ng karamihan ng mga Kristiyano.

Walang makikitang pinagkaiba sa karupukan ng mundo ang maraming mananampalataya.

Let’s all stop saying: “BASTA, SUBMIT NA LANG.”

What we are doing is to deaden the consciences of our people. And when their voices are muted, when their feelings are calloused to the sufferings of their fellowmen, then our government and powerful people in the private sector, are emboldened to inflict the most horrible evils. Hitler was able to do so because most German Christians submitted to abusive government officials and not enough resisted the evil that Hitler had been promoting early.

Maria Lourdes Sereno

It is the role of every Christian to resist every form of evil. Being salt and light means we go out to the world to preserve good like salt, and dispel darkness as light. Hindi po pwedeng personal piety ang asikasuhin at hintayin na lang na makarating sa langit habang lumalaganap ang kasamaan kasi hindi lumalaban para sa mabuti ang mga Kristiyano.

Sa sitwasyong inilarawan ko sa itaas, malinaw po ang kakulangan natin sa pagtuturo ng Mabuting Balita. Kasama po sa Mabuting Balita ang tamang paraan ng pakikipaglaban sa mga naiipit ng kasamaan sa mundo.

HINDI PO PWEDENG IPAG-PRAY NA LANG NG PASTOR O PARI ANG MGA KAPATID NA NAIIPIT SA MORAL DILEMMA, KAILANGANG MA-EQUIP DIN SILA NG CHURCHES TO FIGHT AGAINST CORRUPTION. LET’S ALL LEARN TO DO THAT UNDER THE CONSTITUTION AND OUR LAWS. KASAMA IYON SA PAGIGING SALT AND LIGHT NATIN. ❤

SHARE