HUWAG KAYONG PANGHINAAN NG LOOB

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Mga kabataan, ang mga nakikita ninyo ngayon na sinasapublikong masasamang pag-uugali ng mga pulitiko at ng ibang nasa pwesto ay hindi representante ng kabuuan ng lahing Pilipino. Huwag kayong panghinaan ng loob.

Ang inyong ideyalismo sa murang edad ay magandang simula upang mangarap ng magandang bukas para sa bayan. Kung handa kang ibigay ang iyong dunong at lakas upang ibangon ang bayan at kapwa, halina at huwag mag-atubili, pag-aralan kung paano maitataguyod muli ang ating demokratikong institusyon. Kung handa kang ipatupad ang mga minimithi mong pagbabago sa lipunan, lalo na sa pamamahala sa gobyerno, tibayan mo ang iyong dibdib, makilahok sa mga usaping panlipunan, hanapin ang mga pusong kapwa-makabayan, magpunla ng mabubuting gawain sa lipunan, at huwag bibitiw sa iyong mga pangarap.

SHARE