GOVERNANCE BY DISINFORMATION, IYAN PO ANG GINAWA NG GOBYERNO NG RUSSIA, CHINA, NORTH KOREA SA CITIZENS NILA
By Maria Lourdes Sereno
February 27, 2022
At ngayon, iyan ang mukhang game plan ng mga kaalyado o kasing-utak nila sa Pilipinas.
Kilalang richest man in the world ngayon si Putin dahil sa abuse of power niya sa kanyang position bilang 20-year president ng Russia. Bagamat may panahon na akala mo ay may ibang head of state, siya rin ang gumagawa ng mga desisyon sa mga panahong iyon.
Gayon din ang control ni Xi Jin Ping at ang powerful members ng Politburo ng Chinese Communist Party. Sila rin ay hindi accountable sa paggamit ng kanilang resources at kapangyarihan—kung ito ay kinakamkam o ginagamit para sa sarili.
Ang North Korea ang mas extreme version ng dalawa. Doon, hayagang sinasamba si Kim Jong-un. Gaya ng pagsamba nila sa ama niya na si Kim Jong-il at ang lolo niya na si Kim Il-sung. Walang ibang namuno sa North Korea mula 1948 nang itatag ito kundi ang pamilya nila.
Ang isang malakas na feature ng kanilang pamumuno ay ang pag-control o pagmanipula ng isip ng taumbayan. At nung naging popular ang socmed, ginamit ito na weapon ng Russia laban sa mga kakumpitensya nilang bansa upang pahinain ang kumpiyansa ng mga citizens nila sa government authorities nila at sa demokrasya, at upang magkaroon sila ng preference for authoritarian rule. Iyon namang mga bansa na gustong i-convert na allies, palalakasin ang disenchantment sa Western countries and their style of democracy.
Marami nang studies na naging Patient “0” ang Pilipinas sa socmed disinformation to capture political power. Ngayon, nagshi-shift na yata ang strategy to make Filipinos support authoritarianism by expressing support for authoritarians.
Ang support ng Pinoy trolls at legitimate accounts kay Putin ay isang pag-rehabilitate sa dictatorship ni Marcos Sr. at pag-legitimize sa lahat ng unconstitutional at immoral na ginawa ni Pangulong Duterte. In the name of pride, lahat ng masama hahanapan ng justification at babaluktutin ang kasaysayan.
At ang governance na magmumula sa ganung paniwala ay iisang ugali lamang—sinungaling, magnanakaw, mapaniil sa karapatan ng kapwa, at mamamatay-tao.
Ang uri ng kinabukasan na haharapin ng Pilipino ay nasa kamay na natin. Gagamitin ba natin ang mga ito upang manalangin sa Mabuting Maykapal at upang iboto ang mga aplikante na tunay na magsisilbing lingkod-bayan?
Kung gaano hinahabol ng mga citizens of Ukraine ang panahon upang labanan ang pananakop sa kanila, ay gayon ding kailangan nating habulin ang panahon para labanan ang pananakop ng massive disinformation sa ating taumbayan.