KATULAD NI HESUS, DALAWA ANG LEVELS OF ENGAGEMENT NG KRISTIYANO SA LIPUNAN

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith

Sa unang level—para sa mga inaapi, nagugutom, nauuhaw, maysakit, naghihirap, balo, ulila, mga musmos at mga taong nawawalan ng pag-asa—very tender si Jesus. Buhay na buhay ang pagyakap at paghilom na ibinabahagi Niya.

Ngunit sa mga makapangyarihan, iba ang tono ni Hesus.

Kalimitan, ibinubunyag Niya ang kanilang hypocrisy, self-entitlement at pagdagdag sa mabigat na pasanin ng kapwa. Pinapamukha Niya sa kanila ang kanilang pagnanasa na purihin at palakpakan ng mga tao, at inilalantad Niya ang kanilang mga kabuktutan at mga pusong hindi tapat sa Salita ng Diyos.

Sa isang demokratikong bansa, ang puso na ito ni Hesus para sa mga mahihina at mga nasa laylayan ay makikita rin at nakasaad sa Konstitusyon. Sa mga maliliit at marginalized sa lipunan, pagtugon sa kanilang pangangailangan at pagbibigay oportunidad para sa pag-angat ng lahat; Pondo, polisiya at programa na nagsusulong sa pagkamit ng bawat Pilipino ng pantay na karapatan at katarungan. Para naman sa mga makapangyarihan, magkaroon ng accountability o pananagutan. Ito ang sabay-sabay na pagbabantay, pagsingil at pagtiyak ng taumbayan na ang bawat public servant ay tunay ngang naglilingkod nang tapat  sa bayan.

Integral Faith

Walang pangingimi si Hesus sa pag-call out ng accountability ng mga makapangyarihan sa lipunan. Gayon din dapat ang bawat Kristiyano.

Ang kapangyarihan at kumpiyansang ito ng mga mamamayan ay nakasaad mismo sa ating Konstitusyon, at ito ay hindi dahil sa self-righteousness. Atin itong makikita sa Article XI, section 1:

“Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice; and lead modest lives.”

Iyan ang malinaw na batayan ng bawat public official sa Pilipinas, hindi asal-hari kundi tunay na servant-leader. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung patuloy lamang sa pananahimik ang mga mamamayan, lalo na ang mga mananampalataya. Hindi matatagpuan sa Bibliya ang sinasabi nilang dapat manahimik nalang ang mga Kristiyano sa mga bagay na makakabuti at makakatulong sa matuwid na pagpapatakbo ng bansa. From the prophets to Jesus, vigilant ang attitude nila sa pag-speak out against oppression. Even the apostles reminded the early church not to be impressed with the powerful, but to treat everyone equally with dignity. May matapang na babala pa nga si James laban sa mga mayayaman na ipinagyayabang ang kanilang estado, nagpasasa sa kalayawan at karangyaan, gayundin, binanggit niya ang maling pagtrato o pagtatangi sa kapwa sa congregational gatherings (James 2 and 5). Nagsalita rin si apostle Paul noong iginiit niya ang kanyang karapatan bilang isang Romano. Si Paul, nagko-call out ng law-breaking gaya ng pag-deprive sa kanya ng kanyang right as a Roman citizen (Acts 22:23-29). Wala ring nahuthot na suhol mula sa kanya si Felix, ang makapangyarihang gobernador ng Judea (Acts 24:26).

Integral Faith

Ang godly attitude ng Kristiyano sa Pilipinas must be a continuation of our early models’ own attitudes—they were not impressed by the powerful. Yes, they cooperated. Yes, they were not law-breakers. But they did not play the games that the powerful enjoyed playing: manipulating the minds of people, leading them to call evil as good, and good as evil. In other words, ang mga Kristiyano ay hindi kayang sumuporta sa masasamang gawain.

So as Christians, we pray, and we speak according to God’s instruction to do good by seeking justice (Isaiah 1:17). And there is nothing more publicly unjust in our present conditions than to see Filipino public officials justifying the wrong that they have inflicted on our national soul by doing the very things that the Bible condemns: corruption and injustice (Isaiah 61:8). 

On the other hand, there must be hearts and hands full of tenderness for the weak, the oppressed, those who have no voice in society. They are the ones who must see especially that God is alive in every real way through those who call themselves Christians.

So, sino ang totoong Kristiyanong Pilipino? Respectful, but unimpressed by the powerful public official who behaves like a king. Tender and merciful to the lowliest.

A special note: Filipinos must give special thanks to the workers of justice, regardless of whatever belief system they may be coming from—if they have given help to anyone who has been wrongly treated and in need of being vindicated, they have done great good. And doing good to a fellow human being is loving one’s neighbor, Christ’s second greatest commandment. Ito ang kadalasang nakakaligtaan natin—ang magpasalamat sa lahat ng nagtatrabaho para sa katarungan.

SHARE