Friends, Ingat po Tayo

By Maria Lourdes Sereno

Mag-ingat po tayo. Sa ginagawa nating pagsupil sa embers of cries for justice ng taumbayan ay maaaring itanong sa atin ni Lord: “Ano ang ginawa mo sa panaghoy ng bayan ko?”

Never sinabi ng isang godly person sa Bible ang words na: “Shut up already!” sa mga taong nagtatanong ng “Bakit?”

In fact, eto ang pag-describe ni Jesus kay John the Baptist sa Matthew 11:7-14

– na siya ay hindi isang tambo na inuugay ng hangin (John is not a reed shaken with the wind)

– na siya ay hindi nakabihis ng damit na maseselan (John was not in king’s houses wearing soft clothes)

Kung gayon, tanong ni Jesus, ano ang nilabas niyo sa ilang (wilderness) upang masdan?

– Isang propeta, at higit pa sa isang propeta; si John ang sugo na pinadala upang manguna sa Mesias. At sa lahat ng nilalang, wala nang hihigit pa kay John, maliban na lamang ang “least in the kingdom of heaven.” Ibig sabihin po, isang dumadagundong na boses sa wilderness na nagko-call out for repentance ang itinatanghal ni Hesus na tingalain natin.

Hindi po pleasant at comfortable makinig kay John, pero iyung malakas na tunog na iyon ang pinupuri ni Hesus. Si John the Baptist po ay sumisigaw, hindi bumubulong. Sumisigaw ng ganitong mga kataga sa Matthew, Mark at Luke:

“Repent for the kingdom of heaven is near!” (Matthew 3:1-3, Mark 1:4-11, Luke 3:1-22)

At nung nakita ni John ang mga powerful religious leaders (Pharisees at Sadduces) na yung iba ay kasabwat pa ng imperial Rome (mga Sadduces), ito ang maaanghang na salita na binitawan ni John:

“Brood of vipers! Who warned you to flee from the wrath to come? Therefore bear fruits worthy of repentance, …”

Ibig sabihin po, may pangangailangan ang lipunan sa mga magsasabi ng katotohanan, mahirap man itong tanggapin ng mga powerful, including religious leaders. At hindi dahil mananampalataya ka kay Kristo ay walang lugar sa ating mga samahan o fellowship ang mga madidiin na salita para sa isa’t isa. Pakinggan niyo po ang salita ni James sa “Twelve Tribes scattered abroad” (James 1:1):

“Come now, you rich, weep and howl for your miseries that are coming upon you! Your riches are corrupted, and your garments are moth-eaten. … Indeed the wages of the laborers who mowed your fields, which you kept back by fraud, cry out; and the cries of the reapers have reached the ears of the Lord of the Sabbath.” (James 5:1-4)

Ibig pong sabihin nito, kailangan ay iniaangat ng simbahan ang cries of anguish for justice ng believers, including of the young people, sapagkat mismong ang tono ni John the Baptist (pre-Resurrection of Christ) at ni James (post-Resurrection) is the same:Manangis nawa ang bayan ng Diyos para sa tunay na repentance, at ang words na gagamitin ay hindi kailangang soft at mahina, maaaring ito ay malakas; kung anuman ang angkop sa corruption at injustice na itinatangis ng puso.

Mag-ingat po tayo. Sa ginagawa nating pagsupil sa embers of cries for justice ng taumbayan ay maaaring itanong sa atin ni Lord: “Ano ang ginawa mo sa panaghoy ng bayan ko?”

SHARE