DOON NAMAN SA MGA PILIPINONG PINIPIGILANG PAG-USAPAN ANG TUNGKOL SA MGA PINATAY, TINORTURE, GINAHASA, BINUGBOG, IKINULONG, HINULI NG MILITAR AT HINDI NA MULING NATAGPUAN DURING MARTIAL LAW
By Maria Lourdes Sereno
Nasa government records po lahat iyan, recognized pa ng Supreme Court decisions kaya pwedeng pag-usapan ang mga inhuman treatment na iyan ng Marcos regime sa mga Pilipino.
Narito po ang link sa 11,103 human rights victims na na-recognize ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB). Totoong mga pangalan, totoong mga tao, totoong pagdurusa, sa ilalim ng Marcos Martial Law. Tingnan niyo po ang mga pangalan.
Hindi na po natapos ng HRVCB ang pag-process ng marami pang pangalan na inihain, dahil hanggang 2018 lang ang mandato nila. Ang bilang po ng mga maraming organisasyon ay higit na marami pa ang mga biktima ng kawalan ng katarungan noong Martial Law.