Bakit Siya? Ah Basta!
By Maria Lourdes Sereno
Ang sagot na: “Ah, basta! Respect na lang!” sa tanong ng isang kaibigan kung bakit mo napili ang isang kandidato ay, kung tutuusin, bastos.
Kung friend ang nagtatanong, ibig sabihin, ayaw mong i-share ang iyong insight kung bakit mo iniisip na ang napili mong kandidato ay makabubuti para sa bansa. Hindi lang ito parang kabastusan sa kaibigan, indikasyon rin ito na ang boto mo ay ikapapahamak ng bansa. Bakit po? Kasi ayaw mong mag-take ng responsibility sa choice mo, alam mong tagilid ang bansa sa kamay niya, pero ayaw mong ipaliwanag kasi ayaw mong maging responsable sa disaster na magaganap sa bansang ito kung ang kandidato mo ang manunungkulan. Ang tanging gusto mo lang, yung magiging feeling mo kapag ang kandidato mo ang nanalo. Period. Irresponsible po iyan—tinatakasan niyo ang inyong responsibilidad bilang botante.