MAGHANDA NA PO KAYO

Kahit nga po sino, alam na ang bumibili ng boto ay korap. Bakit ka boboto ng korap? Ilulubog lang nila ang Pilipinas.

Ang Pakikipaglaban para sa Tama ay Isa nang Tagumpay

Ang Golden Age ng Pilipinas ay nangyayari tuwing nagbubuklod ang mga Pilipino para ipaglaban ang kalayaan at dignidad nila bilang isang lahi na naniniwala sa kabutihan at katarungan. Iyan ang totoong Golden Age.

Ang Inaasahan ng mga Masasamang Pulitiko para Manalo

Ang inaasahan po ng mga masasamang pulitiko para manalo na naman sa eleksyon, ay mga taumbayan na walang pakialam, walang alam, at walang inisyatibo. Subalit mukhang magbabago na ang takbo ng pulitika ngayon sa Pilipinas, sapagkat kumikilos na ang taumbayan.

Nahanap na ng Bayan ang Kanyang Boses

Sinanay po nila ang pambubully sa mga Pilipinong ayaw ng kabastusan, panlalait, pagsisinungaling at di-makatarungang pagpatay. Nanahimik ang mga dapat ay malakas na tumututol sa marahas na uri ng pamamahala. Sinisiil ang mga mangilan-ngilan na pumapalag. Ngayon, tumututol na ang bayan. Nahanap na nito ang kaniyang boses.

Ang Pangkalahatang Opinyon sa mga Marcos

Nang nilatag natin ang assessment ni Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew na kawatan si Marcos at siya (si Marcos ), ang cronies niya at si Imelda ang nagpabagsak — “pillage of the country” ang term niya. Nilimas ang kaban ng bayan, nilubog tayo sa utang.