PAANO NAGNAKAW ANG MGA MARCOS?

Mag-start po tayo ng series natin with Baltazar Aquino, dating Secretary of Public Works and Highways ni Pangulong Ferdinand Marcos from 1974-79.

ANG TINGIN NG MUNDO SA CORRUPTION NI MARCOS

Ang Transparency International(TI) po ang leading international organization na nag-aaral, nagsusukat ng mga senyales, at nagsusulong ng pagsugpo ng corruption, lalo na sa developing world.

PINABENTA NI DUTERTE ANG MGA ALAHAS NI IMELDA NA NAPATUNAYANG NAKAW NA YAMAN

Hindi galing ang mga alahas sa yaman ng mga Marcos. Ni si Imelda, hindi masabi sa korte na regalo daw yun sa kanya ng ibang bansa, wala siyang kahit anong paliwanag sa korte. Ayon sa batas, galing ang mga ito sa pangungurakot. May tanong kayo kung saan napunta ang pinagbentahan? Tanungin niyo po si Duterte.

NOONG 2013, NILAGDAAN NI ENRILE BILANG SENATE PRESIDENT ANG BATAS NA KUMIKILALA SA NAPAKARAMING BIKTIMA NG MARTIAL LAW. BUMOTO PA NGA SIYA PABOR DITO. ANO, BUMABALIGTAD SIYA NGAYON GAMIT ANG YOUTUBE VIDEO INTERVIEW?

Gumawa ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) ang batas na nilagdaan ni Enrile. Pinangunahan ito ng dating retired Philippine National Police Director (equivalent sa Major General) na si Lina Sarmiento. So hindi masasabing biased si Gen. Sarmiento para sa mga aktibista. Nag-announce ang HRVCB, bago nila tinapos ang two-year term nila, na nag-approve sila ng 11,103 claimants. Yun lang po ang natapos nilang i-process, pero ang total applicants ay 75,749.