ANO ANG SANHI NG SPLIT-LEVEL CHRISTIANITY?
By Maria Lourdes Sereno
Sabi ng iba, sobra daw ang pag-spiritualize natin ng mga bagay-bagay. Ibig sabihin, lutang ang pagpapakita ng ating pananampalataya at doon lamang natin sa larangan ng alapaap dinadala. Ang tingin ko po, ang split-level Christianity ay nangyayari kung ang ating pagbabasa at ang pag-aaral ng Scripture ay ayon lang sa kung ano ang kumportable sa atin.
Halimbawa po, napaka-dominant ang theme ng katarungan sa Bible. Paulit-ulit po ang utos ng Diyos to do justice. Ang character ng Diyos ay God of Justice, dispenser of justice, lover of justice and hater of injustice. Napakalakas ng utos ng Bibliya to do justice, at ayun nga sa Isaiah 1:17, doing good is doing justice.
Hindi maaaring sabihin na mabuti kang tao pero hindi ka naman makatarungan.
Sa mga simbahan, hindi rin pinag-uusapan ang Hustisya, lalo na sa mga fellowships o churches, dahil ang higit nilang binigyang diin ay ang submission to government. At kung meron mang nagbubukas ng topic tungkol dito, ang palaging sagot ng leader ay, “ipag-pray na lang natin”. At kadalasan pa nga, iyan na ang ending ng usapan tungkol sa hustisya. Hindi po iyan ang sinasabi ng Isaiah 1:17. At lalong hindi po iyan ang sinasabi ni Hesus. Sa Matthew 23:23, condemned Niya ang mga religious leaders na nag-iimplement ng strict rules on tithing nguni’t hindi binibigyan ng hustisya ang kapwa.
Ano po ang sabi ni Hesus? “Woe to you, scribes and Pharisees, hypocrites! For you pay tithe of mint and anise and cummin, and have neglected the weightier matters of the law: justice and mercy and faith. These you ought to have done, without leaving the others undone.”
Ang Hustisya ay marapat lamang na pinag-uusapan sa mga simbahan, paaralan at sa mga bible studies.
Kaya nga’t ang katuparan nito ay atin sanang ipinagdarasal, isinasabuhay at ipinaglalaban! Iyan ang madiin na turo sa atin ni Hesus. At ang nagpapalakas sa kalaban ng katarungan ay kumakalaban sa Diyos.
SHARE