Ang Inaasahan ng mga Masasamang Pulitiko para Manalo

By Maria Lourdes Sereno

eleksyon

Ang inaasahan po ng mga masasamang pulitiko para manalo na naman sa eleksyon, ay mga taumbayan na walang pakialam, walang alam, at walang inisyatibo. Subalit mukhang magbabago na ang takbo ng pulitika ngayon sa Pilipinas, sapagkat kumikilos na ang taumbayan.

Ito po ang inaasahan ng mga masasamang pulitiko:

  1. Na magkakagulo, madi-discourage ang mga botante kasi wala ang mga pangalan ng marami sa voters list;
  2. Na papayagan ng mga botante na makapasok ang flying voters;
  3. Na tatanggapin ng mga botante ang mga depektibong balota;
  4. Na hindi sila magbabantay sa presinto kasi hindi sila maa-accredit o kaya wala silang training;
  5. Na walang pakialam ang mga botante kahit umulan ng pera;
  6. Na papayag ang mga botante sa mga command votes gaya ng mga bitbit ng political warlords at mga LGU officials hanggang sa barangay;
  7. Na okay lang na panay fake news ang maglipana;
  8. Na okay lang magkaaberya sa mga voting machines at mga transmittal;
  9. Na pwede pa rin ang takutan;
  10. Na hindi magtetestigo ang mga taumbayan sa mga ilegalidad.

 

#TaumbayanNaman ngayon ang kumikilos at haharap sa kabuktutan ng masasamang pulitiko.

SHARE