BINIGYAN NA TAYO NI LORD NG GUIDEPOSTS PARA SA PAG-ANGAT NG BANSA
By Maria Lourdes Sereno
BAWAT ISA MAHALAGA. Iyan ang implikasyon o ang ibig sabihin ng katuruan sa pagbungad pa lamang ng Bibliya sa Genesis 1:26-27. Nilikha ang bawat isang tao ayon sa wangis ng Diyos, at ang lahat ay dapat maging brother’s keeper o may pakialam sa kapakanan ng kapwa-tao. Fast forward tayo sa Psalm 82 at ito ang isa sa pinaka-powerful condemnation o pagtuligsa na mababasa natin sa aklat ng Psalms. Ito ang pagkompronta ng Panginoon sa Psalm 82:2-4:
“How long will you judge unjustly, And show partiality to the wicked? Defend the poor and fatherless; Do justice to the afflicted and needy. Deliver the poor and needy. Free them from the hand of the wicked.”
Ayon sa ilang bible scholars, patungkol daw ito sa temporal rulers. Ang sabi naman ng iba, para daw ito sa mga spiritual beings o “princes” over territorial jurisdictions. Kahit saan natin ito tingnan, mabigat ang implikasyon nito sa lahat ng churches. No church should be known for defending the wicked. And when it does, kasama ba sila sa binibigyan ni Lord ng babalang ito—sa mga nagpapatagal ng paghahari ng kasamaan o wickedness sa Psalm 82:2?