Isang Pagtatanong-Panaghoy-Panalangin mula sa Tinitingalang Theologian Dr. Rico Villanueva:
Baka po pumukaw sa puso niyo ito, pakibasa at makisama po tayo sa kaniya.
By Maria Lourdes Sereno
“BAKIT LORD?”
Isinulat ni Federico Villanueva
Sa mga talunan at nagtatanong sa Diyos ng “bakit?” dahil sa resulta ng halalan, don’t feel guilty. It’s not wrong to ask God, “why?” Kahit ang mga tao sa Bible nagtanong ng “bakit?” sa Diyos: Pinakasikat ang Psalm 22: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Awit 22:1) Si Jesus mismo qinote ang Psalm 22 nang siya’y nakabayubay sa krus: “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” (Matteo 27:46)
Ang maganda sa Bible, hindi nila dinedeny ang kanilang nararamdaman. Hindi nila kinikimkim ang sama ng loob. Ibinubuhos nila ito sa Dyos. Nang matalo sila sa giyera, ang sabi nila kay Lord: “Ginawa mo kaming katawa-tawa, nilalait kami ng mga tao sa paligid. Naging joke kami sa harap ng mga bansa, inaasar nila kami, pailing-iling pa sila. Lagi akong napapahiya, at dahil sa hiya, gusto ko nang mawala … Pero bakit na-experience namin lahat ng ito? Di ka naman kinalimutan …” (Awit 44:13-17, Pinoy Version).
Naniniwala sila that God is sovereign, Siya ang may kontrol ng lahat ng bagay. But this did not stop them from asking “why?” unlike today na ginagamit ang “sovereignty” of God para patahimikin na lang tayo. Noon ito pa ang naging daan para lalo silang dumaing sa Diyos at magtanong ng “bakit?”
At sa pagtatanong nila ng “bakit?” lalo nilang pinatunayan ang kanilang malalim na tiwala sa Diyos. Hindi sila bumitiw sa Diyos. PATULOY SILANG DUMADAING DAHIL NANINIWALA SILA NA BAGAMA’T TALUNAN SILA, HINDI PA TAPOS ANG LABAN. Sa dulo ng Awit 44, ganito ang kanilang daing: “Gumising ka Lord! Bakit ka natutulog? Bumangon ka! Wag mo kaming i-reject forever! Bakit umiiwas ka ng tingin sa amin? Bagsak na kami, subsob na sa lupa … tulungan mo na kami!” (Awit 44:23-26, PV).
Sa tingin ko, ito ang akmang dasal sa mga panahong ito.