Bakit po kaya pinapa-shut-up ng mga authority figures ang mga kabataan?
By Maria Lourdes Sereno
Hmmm.
Bakit po kaya pinapa-shut-up ng mga authority figures ang mga kabataan? Sa homes, sa churches, at from experts, eh may ganitong pandidilat. Mayroon bang nasasabi ang mga kabataang ito na nakakapagpa-insecure ng overwhelming na panalo daw? Bakit kailangan na para bang nanduduro kayo sa kapwa, eh sinasabi niyo talo na nga? Meron siguro kayong alam na hindi namin alam. Ano po kaya ang pilit niyong pinipigilan?
Sa mga magsasabing hindi Christian ang nagtatanong ng ganitong mga tanong, remind ko lang kayo sa sabi ni Jesus: “Be wise as serpents and harmless as doves” (Matthew 10:16). Ibig sabihin po, ang Kristyano, mapagbantay upang hindi madaling mauto. Otherwise, madali po yata tayong magamit sa hindi tama.