WALA PO NI ISANG LEKSYON ANG NAGSASABING ISANG ARAW LANG ANG EPEKTO NG ELEKSYON
By Maria Lourdes Sereno
Lahat po ng pagsasalaysay ng kasaysayan ay nagpapakita ng matagalan at malawakang epekto ng paghahalal ng masamang pinuno. Halimbawa na lamang po ang pagkahalal ng mga Aleman sa isang diktador na nagbunsod ng World War 2 na ikinamatay ng hindi bababa sa 50 million katao.
Kaya’t mali ang pagsasabing kalimutan ang lahat pagkatapos ng Mayo 9. Paano po ang duty natin as Christians to seek justice? Marami pong namatay noong Martial Law at sa illegal War on Drugs. Wala po bang pananagutan ni sinuman? Paano ang hundreds of billions of stolen wealth na hinahabol pa ng sambayanan mula sa mga Marcos at unrepentant cronies nila? Paano ang malalakihang korapsyon na nabisto sa recent Senate hearings, eg, Pharmally? Panay takipan na lang ba at kampi-kampihan ng mga magkakaalyadong masasama ang maipapakita natin sa ating mga kabataan?
Ang Christian duty is to seek the truth, seek justice, and repent for the nation’s sins. We cannot stop—pray, proclaim, campaign for truth and justice, act in every way you can—until repentance comes to this nation.
Ano po ba ang repentance? Hindi lang po yun emotional na pagsasabi na nagsisisi tayo sa kasalanan at pagkakamali. More than anything, kailangan talikuran ang masaming gawain at tahakin ang tamang landas.
Let us, as a nation that claims to know Christ produce fruits worthy of repentance. At life-long change po ang evidence ng fruits of repentance. At hangga’t minamaliit ang masamang epekto ng paghalal ng masamang pinuno, hindi magkakaugat ng malalim ang pagbabagong kinakailangan natin.