ISIPIN NIYO PO, BAKIT NA-EXCITE ANG IBANG CHURCH PEOPLE SA IDEA NA DAPAT PAGPAPATAYIN ANG DRUG ADDICTS?
By Maria Lourdes Sereno
Hindi po kaya Spirit of Deception na iyan, for us to believe that there are worthless human beings. Eh, fundamental truth dapat sa Kristiyano na bawat tao ay ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27). Did we ever consult the Bible on the matter?
Bago tayo pumalakpak sa ideya ng patayan, hiningi ba natin sa Diyos na tulungan tayong sugpuin ang problema ng droga sa isang paraan na kaaya-aya sa Kanya? Pinag-prayer and fasting ba natin na ipakita ng Diyos sa atin ang ugat at ang solusyon ng krimilalidad? Hiningi ba natin ang katapatan at katapangan ng lahat ng nasa gobyerno upang hindi sila nagagamit ng drug lords? Hiningi ba natin na mismong sa mga komunidad ay mahanap ng mga may problema sa addiction ang pagmamahal at pagkalinga na kailangan nila upang labanan ito? Hiningi ba natin sa Diyos ang husay sa komunidad upang maipagtanggol natin ito sa lahat ng mga masasamang elemento, may koneksyon man sa droga o wala?
Hiningi ba natin na sa kagustuhan nating mapuksa ang problema ng droga, ay hindi rin tayo magkakasala?
Shall we now bring the matter before God in repentance?