MERON PO AKONG NAPAPANSIN, AT ALARMING PO ITO
By Maria Lourdes Sereno
February 26, 2022
May mga nagko-comment po sa iba’t ibang pages in Tagalog, na kamping-kampi sa Russia at against Ukraine. Mga Pilipinong hindi naman nag-aral o nanirahan sa Russia o Ukraine na kung magsalita ay akala mo biglang experts on European history and politics. One even said: “Ay, mahina ang mga taga-Ukraine; habol lang nila ang comfortable life, susuko kaagad iyan.” Pati sa psywar, nakikisawsaw!
Very alarming po ito. Ibig sabihin, pati Pinoy trolls ay ginagamit na on behalf of Russia. At nung na-call out siya ng isang Filipino expert, ang sagot ba naman ay, marami daw silang sources of news at history. Hindi naman pinapangalanan kung anong sources ang mga yun. Tunog fake news peddlers ng Tallano Gold and Marcos’ Golden Age.
We really need to pray, repent and start our conversation as a people. Wala pa tayong physical invasion ng foreign army pero nag-surrender na ang utak ng ibang Pinoy.
Lord, please help us.