SA HALIP NA TURUAN AT PALAKASIN NG CHURCH LEADERS ANG PAGKILATIS NG TAMA AT MALI, ANG IBANG MGA CHURCH LEADERS PA MISMO ANG PASIMUNO SA
“AH, BASTA, SUMUNOD KAYO SA NAPILI KO!”
By Maria Lourdes Sereno
Nakakalungkot at alam na po natin, na kaduda-duda ang mga “pastor” o church leaders na kung tanungin ng kapwa pastol o ng kasapi kung bakit ang partikular na kandidato ay itinutulak o iboboto niya, ang sagot na lamang ay: “Basta, respect na lang, brod,” at sa miyembro naman ay: “Siya ang anointed” o “napanaginipan ko na sinabi ni Lord sa akin na siya ang The One” o kaya, “Ah, basta.”
The Lord has never wanted His followers to remain unintelligent, inarticulate or unreasoning. While many will come from humble backgrounds, they are to be taught and equipped to be lovers of truth, readers of the Word, discerners of times and seasons. They are to increasingly grow in grace and wisdom, ready to defend their faith, in sound principles and truths. Totoo na hindi umaasa ang Kristyano sa wisdom of the world, pero hindi ibig sabihin na walang inaasahang wisom na makikita mula sa atin. In fact, when a follower is immersed in the Word of God, ang wisdom ng Word na iyun ay evident sa life at sa decision-making niya.
Bakit siya ang pinili mong mapapangasawa? Bakit mo tuturuan ng tama according to the Bible ang anak mo? Bakit hindi ka makikiapid sa asawa ng iba? Bakit mo iiwasan ang bisyo? Lahat yun ay galing sa wisdom na itinuturo sa atin ng Diyos.
Ganoon din naman, mayroong basic na katuruan tungkol sa pagpili ng mamumuno sa bansa. Andiyan ang Exodus 18:18-26 at Proverbs 6:16-19, ukol sa ano ang dapat hanapin sa proposed leader at sino naman ang dapat iwasan. Kasing-liwanag ang mga ito ng sikat ng araw.
Kaya’t kung ang church leader ang mismong nangunguna sa sablay na sagot kung bakit susuportahan dapat ng simbahan ang magnanakaw, sinungaling o mamamatay-tao—malinaw na senyales po iyan—nililigaw na ang mga tupang dapat ay dinadala sa katarungan at katuwiran.
At kung ganun nga ang sitwasyon, hindi naman pwedeng ang isagot ng bawat tupa kay Lord ay “Idinikta lang po kasi ng aming pastol ang aming mga desisyon.”
At kung magpapa-excuse ang mga Kristyano, na hindi naman nila alam na ikamamatay na pala ng inosente ang pang-aabuso ng makapangyarihan, pakinggan niyo ang Proverbs 24:11:
“Iligtas niyo ang namemeligro sa kamatayan, at pigilan ang mga hinihila sa kapahamakan; At kung sabihin niyong hindi niyo alam ito: Ang Diyos ba na nagtitimbang ng puso ay hindi ito pupunahin? At lingid ba ito sa Kaniya na may-ari ng iyong kaluluwa?”
Walang lingid sa Diyos. Kung pinili ng indibidwal na mga tupa na sumunod sa alam nilang lihis at buktot na daan, sinasabi na rin nilang wala silang pakialam sa tapat na pagsunod sa Diyos o sa kapahamakan ng bansa. At mararapatin pa nilang hindi tumindig sa alam nilang tama. May consequence ang bawat desisyon na sumama sa mali.