ANG MESSAGING PO NG MARCOS NETWORK AY “FEEL GOOD” LAMANG.

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

ANG MESSAGING PO NG MARCOS NETWORK AY “FEEL GOOD” LAMANG. ISANG ALTERNATIVE UNIVERSE ANG NABUBUO SA ISIPAN NG MGA NAPAPANIWALA SA KANILANG UNITY THEME. ALTERNATIVE UNIVERSE—WALANG LAMAN. BAKIT PO? KASI HINDI NILA KAYANG LABANAN ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA PATAYAN AT PAGNANAKAW NG MARCOS REGIME KAYA SA LEVEL NG PANTASYA NA LANG NILA DINADALA ANG MESSAGING NILA.

Hindi po kaya ng “Unity Theme” na burahin ang katotohanan. Plano po ba nila ay i-ban ang lahat ng isinulat tungkol sa pandarambong at pagpatay ng Marcos regime?

United po ba sila sa effort na dalhin tayo sa alapaap ng kasinungalingan?

Hindi po aandar nang matino ang ganyang makinarya kasi fully documented na po sa buong mundo ang nangyari sa panahon ni Marcos. Pantasya ang kailangang pairalin ng Marcos network para mabuhay ang mga plano nila.

Alam po natin lahat kung saang burak dinadala ng kasinungalingan ang mga nalilinlang nito.

SHARE