HINDI APPROVED SA BIBLE ANG PANGUNGUNSINTI NG MASAMA
By Maria Lourdes Sereno
May mga nagsasabing okay lang ang lahat ng nangyayari. At yung mga sumusuporta sa masamang gawain ng government officials (gaya ng ayaw mag-account for ng pera ng bayan), tuloy pa rin ang suporta kasi may purpose daw ang Diyos. Ito po ang mga kwentong-aral sa Bibliya:
1) Ang pagpapadala ng malulupit na mananakop ay kalimitan judgment sa isang bansa. Ang response po ng mga propeta at God-fearing na mga taumbayan-usually kaunti lang sila-ay tumangis at mag-repent, hindi pumalakpak at makisang-ayon sa kasamaan at kalupitan;
2) Anumang espasyo na magagamit upang ipaalala sa o i-rebuke ang pinuno ukol sa kaniyang paglabag sa utos ni Yahweh ay ginagamit ng mga tunay na propeta, kahit pa ikapapahamak nila ang paggawa ng kanilang prophetic role.
So ang public spaces, gaya ng pulpito, ay hindi dapat gamitin upang tulungan ang anumang kasamaan, kahit indirectly; rather, they must always be used to promote good;
3) Consistent sa Old Testament at New Testament ang resisting evil, hindi binago ni Paul o ni Peter yun, at lalung-lalo na ni Kristo who was constantly speaking against the oppression by the powerful of the weak and defenseless.