WALA SA BIBLE ANG KAPAG NAGSABI KANG "I accept Jesus as my Lord and Savior" AY EXEMPTED KA NA SA MGA COMMANDS TO BE HONEST, DO JUSTICE, LIVE UPRIGHTLY AND LOVE YOUR FELLOWMEN
By Maria Lourdes Sereno
Sa katunayan, ang pagiging follower ni Kristo ay self-denial at pagbubuhat ng ating krus araw-araw.
Then Jesus said to His disciples, “If anyone desires to come after Me, let him deny himself, and take up his cross, and follow Me. For whoever desires to save his life will lose it, but whoever loses his life for My sake will find it. For what profit is it to a man if he gains the whole world, and loses his own soul? Or what will a man give in exchange for his soul?” (Matthew 16:24-26)
Ibig sabihin, hindi mahalaga ang personal preference o opinyon natin, kundi ang tanong ay kung tumatalima tayo sa mga ipinag-uutos ng Diyos.
Basic sa mga ito ang: Do not lie! Do not steal!
Kung lumalabas sa bibig natin na okay lang ang mga ito o kaya ay tahimik tayo when we are called to condemn the oppression of the poor, such as when the budget for DOH is on the face of the documents grossly misspent, then ano po ang basis ng claim natin na sumusunod nga tayo kay Christ? Hindi pa ba nabibiyak ang ating mga puso sa dami ng namamatay, nagkakasakit at nagugutom ngayon sa harap ng pagwaldas ng napakalalaking halaga? Tandaan po natin na wala pang direktang tugon ang pamahalaan kung saan nga napunta ang bilyon-bilyong budget ng DOH.
Paano natin makukumbinsi ang mundo sa kabutihan ni Kristo kung hindi natin naipapakita na ayaw ni Kristo ang pagsisinungaling, pagnanakaw, at pagmamaltrato ng kapwa lalo na ng mahihirap? Ito ang palatandaan ng sumusunod sa Diyos: loving what God loves, and hating the evil that He hates (Psalm 97:10).
In all seriousness, kailangan nating iwasang maging presumptuous, at alalahanin ang babala ni Jesus sa ating lahat na ito: “Not everyone who says to me, ‘Lord, Lord,’ will enter into heaven’s kingdom. It is only those who persist in doing the will of my heavenly Father.” (Matthew 7:21).