Skip to content
HOME
ABOUT
BLOGS
Philippine Constitution and Laws
Integral Faith
Philippine History
Interviews
Testimonials
Election Issues
Special Messages
CONTACT
Menu
HOME
ABOUT
BLOGS
Philippine Constitution and Laws
Integral Faith
Philippine History
Interviews
Testimonials
Election Issues
Special Messages
CONTACT
Search
Search
Category | Integral Faith
Building Filipinas Together
Ang pribilehiyo na ibinigay sa akin bilang dating Chief Justice ng Korte Suprema ay nagbigay ng isang perspektibo na galing sa macro o sa pinakamataas na antas ng kapangyarihan sa gobyerno. Mula sa ganitong perspektibo, kaya nating mag-usap ukol sa katarungan sa isang foundational level, sa isang payak na paraan na mas maraming kababayan ang maaabot. Mga usapin ukol sa kapangyarihan at pananampalataya.
Nakita ko ang ilang bahagi ng pagsisilbi ng iba’t ibang administrasyon. Sa posisyon ko sa akademya, sa legal practice, sa international organizations, sa policy studies, sa very difficult international arbitration cases ng Pilipinas, at bilang hukom sa Supreme Court, nakita ko ang bahagi ng personalidad ng iba’t ibang pangulo at ng mga ilang nakapaligid sa kanila. Merong mahiyain at ayaw na ang atensyon ay nasa kanya lagi, merong palabiro, merong sharp at efficient, merong cunning, merong super-focused, at merong tinatawag na hustler talaga.
Hindi maaaring sabihing mabuti kang tao kung hindi ka makatarungan.
Paano magiging maaliwalas at kaaya-aya ang kinabukasan ng ating mga anak at apo kung hindi natin bibigkasin ang mga katotohanang ikaaangat ng kanilang pananaw?
Katulad ni Hesus, dalawa ang levels of engagement ng Kristiyano sa lipunan.
Hindi po natin kailangang kumopya ng galaw sa ibang bayan. Hubarin po natin ang bumabalot sa ating isipan na kailangan tayong magtunog, magmukha o mag-amoy Hollywood, Korean telenovela, o kaya ay maging sing-tunog ng pulpito ng mga Amerikano, upang maging “kwela” o “patok.” Kaya po ng Pilipino na mag-isip ng paraang orihinal o angkop sa kanila.
Kung hindi po nakatuon dito ang hearts ng mananampalataya at ang programa ng churches, ibig sabihin po, baka po misaligned tayo from the plan and ways of God.
Binigyan na tayo ng guideposts para sa pag-angat ng bansa. BAWAT ISA MAHALAGA. Iyan ang implikasyon ng turo sa atin sa pagbungad ng Bibliya sa Genesis 1:26-27. Nilikha ang bawat isang tao ayon sa wangis ng Diyos, at ang lahat ay dapat maging brother’s keeper.
Hindi ko po inakala ang lalim ng kakulangan ng impormasyon ukol sa nangyari sa Pilipinas sa ilalim ni Marcos, at sa mga hamon na kailangang harapin ng mga sumunod na pamahalaan
Bagama't naging Punong-Mahistrado ako ng Korte Suprema, nag-decide akong gumamit ng nickname ko para sa aking unang facebook page: Meilou. Bakit? Dahil at that time last year when I was deciding on the fb name, napakaraming kabataan na nagiging close sa akin na tinatawag akong Tita, Ninang at Mommy. Nickname ko ang best na idikit sa mga prefixes na ito. Para naman sa gustong maalala ang fight ko for justice while I was in the Supreme Court, okay din na tinatawag akong CJ.
Kasasabi lang ng asawa ko, day by day, ang journey natin. Step by step. Walang preconceived expectations on how life would exactly turn out, except this: “all things God will work for good to those who love God and are called to be conformable to the image of His Son” (my paraphrase of Romans 8:28). Napakaganda, napakaayos, napakapanatag na maranasan ang walang-kagayang pagmamahal ng Diyos.
Relevant ang tanong kung ano ang ibig sabihin ng pag-surrender kay Jesus sa pang-araw-araw na buhay ng bawat Kristyano. Ito ang nagpapakita kung namamasid ba ang ilaw ni Jesus sa ating buhay o hindi.
Any preaching o church direction that follows Christ's instruction ay hindi maaaring i-consider na dilution ng Gospel of Salvation. In fact, it shows that the Gospel of Salvation has produced works of righteousness in society.
KUNG CORRUPTION ANG NAKAKABAHALA SA IYO, BAKIT HINDI IYAN ANG PAG-USAPAN SA CHURCH?
Kaingatan Mo ang aming mga araw, upang huwag humantong ang mga ito sa walang kabuluhan. Si Solomon na mismo, haring pinakamatalino, pinakatanyag at pinakamayaman ang nagsabing, lahat ng bagay sa mundo na hindi kasama ang Diyos, ay walang kabuluhan.
Ang church na komportable at nakadikit sa makapangyarihan ay mahirap sabihing persecuted church. At kung titingnan natin ang Bible, marami sa mga blessings na ipinapangako nito ay sa mga simbahang dumadaan sa pagsubok at persekusyon.
Naiisip ko na dahil sa pagpasok sa isip natin na ang religious rules ay hindi nakapagliligtas, naidikit natin yung konsepto na hindi ang mga rules ang pinakamahalaga sa buhay kundi submission.
Ngayon lang nagkaganitong katindi ang pagkahati-hati natin at ang pagdepensa sa naihalal. Ngunit malalim ang pinaghuhugutan nito. Galing ito marahil sa pananaw na hindi sila nakakuha ng kakampi sa gobyerno noon at ang Presidente lamang na ito ang nagparamdam na siya ay kakampi ng mas nakararami. Kahit pa mapatunayan na naubos ang kaban ng bayan dahil sa maling paggasta ng pondo, kampi pa rin sa nahalal. Ito nga ba ang tunay nating pagkatao? Na hindi na tayo manunuri ng mga public officials? Basta feel natin, tama siya.
Sa development ng power structures sa lipunan sa iba’t ibang bansa towards greater participation by the people, mayroong mga katuruan sa bibliya na hindi naituro o naibalanse sa dating mindset ng mga churches.
Napakasipag nating magturo ng Ten Commandments, ngunit hanggang panloob na aplikasyon lamang sa personal na buhay ng mga miyembro ng parokya o fellowship natin. “Huwag kukupit ni isang coupon bond sa opisina!” ang paalala natin sa kapatiran. Parang may sobrang mali, na ang pinapansin natin ay mga ganoong pribado at maliliit na bagay, ngunit okay lang sa atin ang bilyon-bilyones na pagnanakaw sa pamahalaan!
Kapag pinipigilan niyo ang mga taong humihingi ng accountability sa mga magnanakaw o holders of ill-gotten wealth, kayo ay enabler in “the works of wickedness.” Ayaw na ayaw ni Lord ang pagnanakaw. Ang words na ginagamit Niya: “I, the Lord, love justice, I hate robbery, and every wrongdoing” (Isaiah 61:8). Kapag kayo ay pumanig sa magnanakaw ay nakiki-parte kayo sa kaniyang gawain. Ano ang sabi pa ni Isaiah sa Isaiah 1:17: “Learn to do good, Seek justice, Rebuke the oppressor.”
Proud daw tayo na “resilient” tayo, parang kawayan na pilit na binabali ngunit hindi mabali-bali. Pero yung ganitong katagal at paulit-ulit na pag-angat ng “resilience” natin, parang pinagmamalaki natin na hindi natin kayang solusyunan ang mga sitwasyon na alam nating haharapin natin ilang beses kada taon. Sa tapatang pananalita, parang celebrated kahinaan (o di kaya katangahan). Hindi kaya may latay na sa konsyensya itong abusadong paggamit sa term “resilience”?
Ang mga Pilipino ay tinatawag na pinaka “confidently ignorant people” in the world sa isang research, dahil bagamat sila ay 3rd lamang sa maling akala sa basic facts ng sarili nilang bansa, sa mga ika nga "ignorant populations," ang mga Pinoy ang pinaka-"confidently ignorant" ukol sa di nila nalalaman tungkol sa sariling bansa.
TANGGAP NGA BA NG PINOY CHRISTIANS ANG EJKS? Mahirap sagutin ano po? Ayon sa Biblia, lahat ng tao ay ginawa sa wangis ng Diyos (Gen. 1:26) at dahil dito, sisingilin ng Diyos ang buhay ng sinumang papatay ng kapwa (Gen. 9:6;). Ang dugo ng mga inutas na mga inosente ay umiiyak sa Diyos at humihingi ng katarungan; ipaghihiganti ng Diyos ang mga ito; at madadamay din sa sumpa ang lupa ng bayang nagdadanak ng dugo (Deuteronomy 19:10, Jeremiah 22:3; Proverbs 6:17; Gen. 9:6; Psalm 106: 38).
At dahil bawat tao ay mahalaga, kailangang ipaglaban ang kanilang buhay at dignidad.
Kaya’t mahirap intindihin ang mga nagsasabing Kristiyano daw sila ngunit sabay-bigkas ng “buti nga mamatay na ang mga addicts.” Parang bulag sa katotohanan na ang misyon ni Hesus ay ang pagbibigay ng pag-asa sa lahat ng nawawala sa tamang landas, mga “failures” sa buhay, at mga broken hearted. Parang nagbibingi-bingihan sa alingawngaw ng iyak ng mga naulila at balo, at ng dugong humihingi ng hustisya.
Pasok ang “spiritual things” sa usapang-bayan sa lingwahe ng Konstitusyon. Gayon din ang usapan ukol sa Diyos.
Saan na patungo ang mga kabataan kung sila ang nag-uudyok ng kamalian sa kanilang mga magulang?
General prayer so that the people can live in peace, without qualifying the ruler as good or wicked.
Dumadagundong ang words ni Lord sa pagkamuhi sa lahat ng uri ng pagnanakaw: “For I, the Lord, love justice, I hate robbery, and wrongdoing.” (Isaiah 61:8a)
Ano ang pinakamatinding warning na galing sa mga first followers ni Hesus ukol sa pakikitungo ng mananampalataya sa mga makapangyarihan?
Ngunit sino ang iniaangat ng mga religious leaders, hindi lang sa sermon tuwing Linggo, kundi maging sa pagbabawal nila sa kanilang mga miyembro na makilahok sa political life ng bansa, at pumuna ng kalabisan ng government officials?
Ang American evangelicalism ay maraming features na hindi akma sa kulturang Pilipino.
Paano kinakaya ng isang follower ni Jesus ang matuwa sa pamilya ng nagpapatay at nagpatorture ng tens of thousands of people?
May we have more Jonahs in our midst who will call on Filipinas and all other nations who have become Ninevehs to repent. God in His mercy, will rescue us yet, as He had rescued many, many peoples throughout history.
No, calling out evil is not hatred; it is an act of love, especially kung ibabalik ng panawagan against evil ang tingin ng lahat kay God.
Wala kang mababasa sa Bible na, “move on na lang, ang tagal na nun.”
Alalahanin po natin na si Kristo ay Katotohanan. Hindi maaaring magsama ang kasinungalingan at katotohanan sa Kanyang pagkatao.
Ang mahalaga ay ang pagbabalik ng direksyon ng bansa patungo sa Diyos at sa kabutihan—sa katotohanan, katarungan at katuwiran. Ang mga surveys ay namamanipula at nagagamit para sa mind conditioning, ngunit ang hindi matatawaran ay ang determinadong pagtahak ng landas para sa ikaaangat ng bayan.
Ang lalaban sa fake news ay authentic stories ng authentic individuals. Handog ang katotohanan, sa Diyos sumasandig, gumagalaw sa lahat ng pagkakataon. Upang ipakita na sa katotohanan at hindi sa kasinungalingan ang pagbangon ng Pilipinas.
Paano madi-distinguish ang devil na nagquo-quote ng scripture at ang follower ni Jesus? The devil refuses to obey God. Samantalang ang follower ni Jesus, dahil sa love and holy fear of God, obeys Scripture. (John 14:15)
Narinig ko po kung paanong si Bishop Desmond Tutu, na ama ng kalayaan ng black natives ng South Africa—kasama ni Nelson Mandela—ay nag-rebuke lovingly ng white leadership ng Dutch Reformed Church.
Mga kaibigan, magtulungan po tayo sa pagtataguyod ng katotohanan sa ating lipunan.
Katungkulan ng mananampalataya na pigilan ang panloloko, lalo na ang mga paniwalang nakakapangbudol sa kapwa.
Whenever you fight, the courage that accompanies that fight can be contagious and you will discover that you will awaken the courage of others.
Una, yung pinagsasabihan tayong "wala nang magagawa" sa ating sitwasyon. Ayaw ng kaaway na makilala ng sambayanang Pilipino ang tunay na lakas niya sa Diyos at sa sama-samang pagkilos.
Paano mo nakakayang sabihin na huwag punahin ang gobyerno kahit naaapi na ang maliliit? Samantalang dominant biblical command ang speak for the voiceless, and defend the weak and the poor? Itigil na ang maling paggamit ng religious authority to promote the idolatry of political leaders. Dahil sa walang kibo ang malaking bahagi ng church, lalong lumala ang injustice at oppression sa bansa.
Idolatry ang pagkunsinti sa "Kill, Kill, Kill" - mahal mo pa ang idol mong political leader kaysa sa Diyos na ipinagbawal ang pagiging hayok sa dugo at ang anumang walang kararungang patayan.
Mali ang malawakan at di-makatarungang pagpatay ng kapwa.
Sinasabi ng major leaders ng Catholic at Evangelical/Protestant churches, kailangan consistent ang doctrine at practice natin. Otherwise, kaduda-duda ang Christianity natin. Ito ang sinasabi nilang "integral mission" ng Jesus followers, na kailangan may authenticity tayo.
In many places in the Bible, God emphasizes the importance of helping people find freedom in Him, and not be the slave of human rulers.
Huwag sumama sa mga New People's Army at Communist Party of the Philippines. - Hindi po mahirap iyang sabihin kung bibigyan ninyo rin po ng equipping ang young people niyo on how to fight against injustice in a Christian way
Mga kapatid, naabuso ang paggamit ng Romans 13:1-2. Imbes na ipakita na ang principal point ni Paul ay ang pag-promote ng Christ-like love sa chapter 13:9, nagamit ang twisted interpretation ng Romans 13:1-2 to promote evil.
Let's start a genuine conversation within our churches now.
Si Hesus na nagbigay-buhay kay Hidilyn, ay nagbibigay-buhay rin ng pag-asa sa ating bansa. Siya ang nagsabi na ang misyon Niya ay lagutin ang lahat ng tanikala, punuin ang lahat ng kagutuman, pukawin ang lahat ng kauhawan, at hilumin ang lahat ng sugat. Siya ang magdadala sa bansa sa katotohanan. Panghawakan natin ang Kanyang Salita.
Nagpapadala sa isang manipulasyon na historically ay ginamit ng mga authoritarian governments sa Christian population.
Please read how the misuse of Romans 13 to justify a policy of the Trump administration was loudly denounced by Christian leaders, including by Trump's conservative evangelical supporters.
We cannot avoid speaking out against injustice and corruption. It is precisely because we are sinners who have been forgiven and now follow the God of Justice, that we are to champion justice and fight against injustice.
Ni minsan ay hindi hinintay ng Diyos na magbagong-isip ang mayorya upang simulan Niya ang pagbabago sa lipunan. Palagi, nagsimula Siya sa isa, tapos naging dalawa, mga anak at kaanak, buong tribo, hanggang buong bayan ang nabago.
Ang essence ng pagiging Kristiyano ay ang pagsasalungat sa agos ng mundo. Kung ang mundo ng tradisyonal na pulitika ay sinasabing pera at popularidad ang dapat sundan sa pagpili ng susuportahang kandidato, kabaligtaran nyan ang sa Kristiyano.
Romans 13:1–7 has often been used to justify an unseemly conformity to the status quo in this country and in others. It could be used to keep the church docile to the Nazi regime in Germany, and to impede the efforts of those in our own land who worked for equal rights for black people twenty years ago. I want us to look at this text in order to see what the apostle was really teaching.
“Woe to us if we think the church has to have a good reputation in order to do what it’s called to do.”
Declaration of the Council of the Evangelical Church in Germany
After the fall of Adolf Hitler's government, Christian leaders in the Western allied forces were faced with a dilemma - how to help the German Christians repent for their support for Hitler while not driving them away from the rest of the universal Body of Christ.
Malinaw po, na nung nag-launch ng Project Tokhang at Oplan Double Barrel, ang mga church leaders po sana ay nagdasal at nag-alala na ukol sa legalidad o katarungan ng nangyayari lalo na noong napakadami nang namamatay.
Ang kakulangan ng pagtuturo ng Christian civic engagement ang dahilan kaya napakahina ng ambag ng mga Kristiyano sa social policies. Sa halip na turuan ng democratic ways of fighting for the Kingdom of God values, the Christian voice was weakened.
Ang Kristiyano ang dapat nagsisilbing preservative ng kabutihan ng lipunan (salt nga tayo) at tagapagbigay liwanag sa madidilim na sulok ng bayan (at light pa, di ba?). Kaya't ang command sa atin ay ilagay ang ilaw on top of the hill, where darkness and the evil deeds it encourages are displaced by Christian light (Matthew 5:13-16).
When people offer themselves for political positions, they are asking to be evaluated, even as persons. That personal evaluation is necessary to make accountability come alive. Art XI of the Constitution requires specific personal virtues and behavioral attributes of the candidate. You cannot not tell a thief to return the stolen funds without it being addressed to the person of the thief.
Kapag pumunta ang mananampalataya sa pastor o priest at sabihing naiipit siya sa isang moral dilemma, hindi dapat na ang isasagot lamang sa kanya ay "ipag-pray natin." Kawawa ang mananampalataya, at ang pastor o pari naman, will feel helpless.
Ano po ang diwa ng katotohanan? Hindi po ba ito ay ang gawing lapat ang realidad sa alam nating tama at mali?
Mga kabataan, ang mga nakikita ninyo ngayon na sinasapublikong masasamang pag-uugali ng mga pulitiko at ng ibang nasa pwesto ay hindi representante ng kabuuan ng lahing Pilipino. Huwag kayong panghinaan ng loob.
Sa katunayan, ang pagiging follower ni Kristo ay self-denial at pagbubuhat ng ating krus araw-araw.
Marami tayong naririnig na: "Huwag nang umangal, let's pray na lang." Obvious po na incompatible ito sa pagpapakilala ni Jesus kung sino Siya, ang bondage-breaker who has come to free people from oppression.
ANG ITINUTURO SA IBANG CHURCHES, ANG DOING GOOD AY PAGIGING SILENT, AT SUBMIT LANG NANG SUBMIT SA AUTHORITY KAHIT EVIL. YUN PALA, SA BIBLE, THE OPPOSITE IS TRUE!
ANG TOTOONG NAKAKAKILALA SA DIYOS, MASUSUKA SA ANUMANG MALAWAKANG KASAKIMAN. Hindi nila kayang kunsintihin ang palusot, pananakot at pagpipilipit na harangan ang pagtatanong kung saan napunta ang kaban ng bayan!
May mga nagsasabing okay lang ang lahat ng nangyayari. At yung mga sumusuporta sa masamang gawain ng government officials (gaya ng ayaw mag-account for ng pera ng bayan), tuloy pa rin ang suporta kasi may purpose daw ang Diyos.
The river is glad for it is made of blood Of the purest form Shed to make whole what was broken To pick up shards of broken dreams And create new prisms of light and beauty
Father, we need Your kind face to shine on us. Habang nagkakasakit, namamatay, nagugutom at binabagyo ang Iyong mga anak, pinagsasamantalahan ng mga pulitiko ang aming kagipitan. Yanigin Mo po Ama, ang masasamang makapangyarihan. Ipakita Mo na Ikaw ay Diyos na dapat katakutan. Sa ngalan ni Hesus, Amen. -Maria Lourdes Sereno-
Patawarin Mo kami, Ama, nagsusumamo kami, kaming tumatawag sa Iyo sa pangalan ni Hesus. Patawarin Mo kami at dinggin Mo ang aming pagmamakaawa at ang aming mga luha. Patawarin Mo ang aming mga kababayan, ang aming buong bansa. Ibalik Mo sa katinuan ng isip ang aming mga pinuno at hayaan Mo silang magsisi at magbalik-loob sa kabutihan.
Build your life on lies and you will see it crumble, and the pain lies generate can actually last several lifetimes.
Ang kulto ng relihiyon at pulitika ay malaking pwersa ng kadiliman sa ating bansa. Ano ang preaching natin sa Sunday upang ang bansa natin ay makawala mula sa pagkagapi sa combined forces ng cults and bad politics? Kapag itinutulak natin ang twisted interpretation ng Romans 13:1-2, hindi ba ang mas pinapalakas natin ay ang mga kulto na sunod lang nang sunod sa leader, kahit evil na ang ipinapagawa? Bakit takot na takot ang ibang mga religious leaders na sabihin na dapat ay sa katotohanan lang tayo manindigan as Jesus said? Ayon kay Jesus, sa katotohanan dapat nagsisimula ang pag-seek ng freedom. “You shall know the truth, and the truth shall set you free” (John 8:32).
KAIBIGAN, manalig ka na ang Diyos natin ay nagpe-preserve at magpaparami pa ng mga mananampalataya na hahanapin ang complete teachings ng Bible at hindi selective lang — iyong mga umiiyak sa panalangin upang ang character ni God at ang Kanyang Kingdom values ang makita sa lipunan. HINDI KA NAG-IISA, friend, maraming kagaya mo, at dadami pa ang katulad mo, na ang innermost desire ay: “God’s kingdom come, God’s will be done, on earth as it is in heaven” (Matthew 6:9-13, Luke 11:2-4)
Salamat, Panginoon, sa katatagan ng loob at kalinawan ng pag-iisip na ibinibigay mo sa lahat ng nais sumunod sa Iyong Salita. Salamat sa mga nagdesisyon na hinding-hindi na magbibingi-bingihan sa tawag ng katarungan at katotohanan sa aming bansa.
Nakakalungkot at alam na po natin, na kaduda-duda ang mga “pastor” o church leaders na kung tanungin ng kapwa pastol o ng kasapi kung bakit ang partikular na kandidato ay itinutulak o iboboto niya, ang sagot na lamang ay: “Basta, respect na lang, brod,” at sa miyembro naman ay: “Siya ang anointed” o “napanaginipan ko na sinabi ni Lord sa akin na siya ang The One” o kaya, “Ah, basta.”
Ngunit sa naririnig ko, mas matalas na ang nagiging diskusyon ngayon ng taumbayan. Dahil malinaw sa lahat that something is terribly wrong in our country, mas maraming gustong sumisid sa malalimang usapan. I have met countless young people waiting for people whom they can believe who can tell them why we are where we are.
It is to shine our light in dark places.
Walang excuse ang pag-justify ng pagnanakaw at ang paghawak o pagtatago ng mga ito. Lalo na kung ginagamit pa ito para makabalik ulit sila sa kapangyarihan sa gobyerno.
Ito po ang sagot ko: Katungkulan ng bawat abogado na palakasin ang katotohanan at katarungan. Ang tatlo sa mga Marcos cases ay ako mismo ang nag-aral at sumulat ng desisyon. Kailangan kong patotohanan ang mga nakita ko. Katungkulan rin ng bawat Kristyano na isulong ang kaharian ng katotohanan, katarungan at katuwiran. Nasusuklam ang Diyos sa pandarambong (Isaiah 1:17, Psalm 89:14, Isaiah 61:8).
Responsibilidad ng bawat court officer — mga dating huwes at nanunungkulan pa, mga abogadong nanumpa na ipagtatanggol ang katarungan at Konstitusyon — na tumindig sa tabi ng taumbayan at pamahalaan at sabihing: Tama na, pamahalaan ng Russia, ang pananalakay sa Ukraine at iatras mo na ang iyong mga armadong pwersa mula sa teritoryo nito.
Hindi po kaya Spirit of Deception na iyan, for us to believe that there are worthless human beings. Eh, fundamental truth dapat sa Kristyano na bawat tao ay ginawa ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27). Did we ever consult the Bible on the matter?
Alam na ng Taumbayan ang katotohanan: nagnakaw ang pamilya Marcos. Kaya’t lahat na lang ng tumbling at hysterical iyak ang maririnig mo mula sa followers nila. Kaya rin parating no-show si Bongbong sa lahat ng event na pwede niyang harapin ang tanong ukol sa NAKAW NA YAMAN NILA.
Ang konsepto ng SERVANT-LEADERSHIP at ACCOUNTABILITY ay napakalaking kontribusyon sa pag-angat ng mga sibilasyon na tumanggap ng balita ukol sa Mesias na nag-alay ng sarili para sa sangkatauhan.
Ito ay salaysay ng streetdwellers sa kaniya: May nagre-recruit sa kanila. Bibigyan daw ng halagang PhP 18k kada isa kapag nanalo ang alam niyo na kung sino. Kailangan nilang magpalista, magpakita araw-araw sa isang FB page, at panoorin ang mga videos na inia-upload doon. Yun lang daw. At siyempre lahat ng content ay pampabango sa isang hindi katiwa-tiwalang kandidato at pamilya niya.
Ano ang nasa puso mo habang nakikinig ka sa mga pahayag ng mga tinatawag na human rights workers at mga militarists? Kinakabahan ka ba sa culturally liberal mores o naliliitan sa culturally conservative outlook? Basahin niyo po kung paano binabalanse ang mga concerns ng evangelical churches sa pananaw ng isang evangelical leader upang tunay na mapalapit sa katuruan ni Kristo. Maganda po ang article na ito.
MAY TAMA AT MALI at MAY MGA PRINSIPYONG HINDI NAGBABAGO anumang sitwasyon ang ating hinaharap.
Malimit, nagsasaya ang buong bayan tuwing Resurrection o Easter Sunday. Tama naman, sapagkat ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ipinagdiriwang taun-taon upang hindi mawala sa puso natin na Siya ang tunay na pag-asa. Ngunit sa taong ito, kailangan yata ay puspusang pagninilay ng lahat.
Ang isang kasalukuyang balakid sa higit na pagbubuklod ng taumbayan ay ang pagkakagapos sa kanila ng fake news at massive disinformation. Pati ang kakulangan ng katuruan kung ano ang identity ng bawat Pilipino, sa mata ng Diyos at ng Konstitusyon.
Sinanay po nila ang pambubully sa mga Pilipinong ayaw ng kabastusan, panlalait, pagsisinungaling at di-makatarungang pagpatay. Nanahimik ang mga dapat ay malakas na tumututol sa marahas na uri ng pamamahala. Sinisiil ang mga mangilan-ngilan na pumapalag. Ngayon, tumututol na ang bayan. Nahanap na nito ang kaniyang boses.
Ang Golden Age ng Pilipinas ay nangyayari tuwing nagbubuklod ang mga Pilipino para ipaglaban ang kalayaan at dignidad nila bilang isang lahi na naniniwala sa kabutihan at katarungan. Iyan ang totoong Golden Age.
Never sinabi ng isang godly person sa Bible ang words na: “Shut up already!” sa mga taong nagtatanong ng “Bakit?”
There are many things God is doing in our country. This is a time for quiet reflection, repentance and return to His ways. God has never failed to fulfill any of His promises.
Merong pag-asa, ngunit kailangan nating tutukan ang paglinang nito.
For me, it is by looking at God, the beauty of His plans for all of creation, the end of all things, and their renewal. When I start contemplating the glory that He has promised we will experience in Him, then no tear nor fear we go through in this life is enough reason to hesitate giving my all, trusting my all to God my Creator, Christ my Redeemer and the Holy Spirit my faithful Friend and Guide.
This is what no one can take away from me - to dream of a better future for our children, grandchildren and great-grandchildren.
Lord, reading yesterday's news accounts on our government, continue what has been widely observed by ordinary Filipinos and economic experts - there is no relief in sight from high prices for families. Mahal ang lahat ng bilihin, dumarami ang naghihirap.
God is never late. His seasons and His time are always perfect. Understanding God has His time strengthens us, carries us in times of pain and depression, makes us grateful for the littlest of His blessings.
Lord, have we really accepted that we are this helpless? Have we forgotten that collectively, the Constitution has invested us as the Sovereign Filipino People?
"One must be aware of how fragile freedom can be, and how easily it can be taken by others. People must look to the past to be able to appreciate the freedom they currently possess." - M. Mumalashvi, is the commander of the Georgian Legion in Ukraine fighting Russian invasion.