SABI-SABI, PARA MAKALIMOT TAYO
By Maria Lourdes Sereno
October 4, 2021
May mga nagsasabi, na paghihiganti at walang pagpapatawad ang pananariwa ng katotohanan tungkol sa Marcoses at Martial Law. Ito po ang madaling sagot dyan:
1) Kailan po aaminin ng mga Marcoses na nagnakaw sila ng bilyon-bilyon? As of today P174 billion na ang na-recover na nakaw na yaman nila. As of today, may tatlo nang pinal na desisyon ang Korte Suprema na nagnakaw nga ang mag-asawang Ferdinand Sr. at Imelda Marcos at ang nakaw na yamang ito ay nasa kamay nina Imelda at ng tatlong anak niya–si Imee, Bongbong at Irene. Kailan sila titigil sa pagpapakalat ng kasinungalingan na hindi nagnakaw ang pamilya Marcos?
2) Mayroon pa pong tina-try na irecover na bilyon-bilyon. Pwede po bang isauli na lamang, tutal malinaw ang hatol ng Korte Suprema na unanimous, na as of 1985 December, USD 304,372.43 lang ang legitimate income ng mag-asawang Marcos for all those decades since 1965?
3) May humingi na ba ng tawad sa patayan at nakawan na nangyari? Marami pong naghihintay—ang mga pamilya ni Archimedes Trajano, ang nalalabing mga kamag-anak ng mag-amang Primitivo at Boyet Mijares, at marami pang iba.
SIMULANG 3 TANONG LANG PO IYAN. Sagutin niyo po at baka makausad tayo bilang bayan. Huwag niyo pong akusahan ng kung anu-ano ang mga humihingi ng kasagutan sa 3 madadaling tanong na ito.