ANO PO ANG NAGTUTULAK SA MGA CHURCH PEOPLE NA MAGING POLITICAL LOYALISTS?

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith

Bakit po ang ilang mga pari at pastor, kailangang may mga manok sa pulitika, na kahit ano pa ang findings ng corruption at injustice ng mga korte after very long and exhaustive trials, at kahit pa ganun din ang findings ng international and foreign courts, ay todo pa ring ipagsisigawan na inosente ang mga manok nila at kailangan daw ibalik sa kapangyarihan?

Wala pong logic ang ganitong pananaw, kundi, parang yung politician na nga at hindi si God ang kanilang diyos.

Paano kinakaya ng isang follower ni Jesus ang matuwa sa pamilya ng nagpapatay at nagpatorture ng tens of thousands of people?

Paano kayang suportahan pa rin ang pamilyang nabawian na ng P170 billion ng ill-gotten wealth o yaman na kinulimbat sa mga pamilyang Pilipino?

Hindi po ito mga datos na halaw sa fake videos. Ito po ay well-documented lahat at dumaan sa masusing presentasyon ng ebidensya. Ang pananaw na nabuo ko, ay galing sa mismong karanasan ko, at ang lente kong ginamit ay ang Bibliya at batas.

Meron po bang ibang lente na ginagamit ang aking mga kapatid na Kristyano bukod sa Bibliya at batas? Saan po nanggagaling ang galit niyo sa mga kapwa-Pilipino na nagdusa noong martial law? Saan po nanggagaling ang paghanga niyo sa corruption at systematic torture? 

SHARE